Masydo na bang late? this is supposed to be posted last MONTH since tagal na yung mother's day, nilagay ko sa draft tapos ngayon ko lang naungkat uli.
Quotes from my Mum:
"Hoy Karl, kung gumastos ka akala mo kung sino kang mayaman ah? Ako lang ang mayaman sa atin, hindi kayo"
------
"Akalain mo, ang laki laki mo nang tao nagkasya ka sa tiyan ko?!"
-----
Phone rings. "Ma, bakit po?"
Mommy, "Uhmm... di ko alam. Mamaya nalang"
------
Mom stares at me for a long time...
"Bat ang pangit mo na Karl? ano nang nangyari sayo?"
--------
"Pae? ilan ang guest limit sa debut mo? naku 250? pano ba yan, 200 palang dun, mga friends ko.. 50 nalang dapat friends mo ha?"
---------
gay nung debut ni pae, ginugupitan ako
gay: ang gwapo nitong panganay mo tita
mommy: ay yan si karl? sus. pangit pa yan, tignan mo yung mga sumunod sa kanya"
minutes later... shan nd shen arrives
mommy: o bakla, diba ang gwapo nung iba? wala lang yang si karl
(nice one, ma. hehe)
---------
(pag highschool friends ang pinag-uusapan)
Karl: "Ma, punta lang po ako kay JC, yung highschool friend ko"
Mommy: "ah yung gwapo? sige lang anak"
Karl: "naks, basta gwapo at maganda yung friend ko naaalala mo noh?"
Mommy: "hindi naman mga gwapo't magaganda yung mga naaalala ko... minsan natatandaan ko rin yung mga ibang friends mo na saksakan ng pangit. nalilimutan ko lang yung mga in-between. "
---------
mom (sa text): karl, nagbayad na ba ng downpayment si jessa para sa resort?
karl: di ko po alam. ikaw po may kilala dun, contact mo yun, kaya kaw na po magtanong syempre
mom: ay oo nga naman. katabi ko sya ngaun eh. hahahaha.
-----------
karl "waaaaaaaa. ang hirap ng Med maaaaaaaaaa!"
mom "ikaw kasi. to help humanity ha?! buti nga"
---------
karl: ma, magdorm na ako, para naman malaking ginhawa sa akin"
mom: HUWAG KANG MAGDORM!
karl: bat naman po?
mom: mamimiss kita
awwww. Happy Mother's Day Mommy Bear! :D
Sunday, 31 May 2009
Wednesday, 27 May 2009
Hello, Pharma.
bago palang tayo nagkita, minahal na kita...
ngayon pa lang sasabihin ko na. mahalin mo rin ako. balita ko nga napakahirap mong mahalin pagka't napakataas daw ng iyong pride at blockbuster ka daw sa mortality last year. pero against all that, mamahalin kitang parang pagmamahal ni Vicky Belo kay Hayden (against all odds). Parang pagmamahal ko sa LOST at One Tree Hill at Survivor combined. Parang pagmamahal ni Jesus Christ sa sangkatauhan, (pero not to the point of death, syempre, pano ako magiging doctor kung patay na ako diba?)
Kakaenroll ko lang kanina... Lahat ng mga incoming second years lumabas ng Med building na may hawak na brown envelope. Akala ko kung anong raffle man yun or certificate ang binigay ("I passed Physio?"), yun pala... tadaaaaan! ang unang Buena Mano mo, ang appetizer mo, and 160 pesos mong panimula sa isang taong tiyak na magiging makulay... kulay dugo.
pagpasok ko ng Physio/Pharma department, sinalubong ako ni Mam Monet ng isang pagkalaki laking ngiti at sinabing, "karl! congrats! magpapharma ka na! o wag ka na dito dun ka na sa kabilang department"... , buong tapang kong tinawid ang kabilang ibayo ng department at tadaaaaan! ayan ang Diyosa ng Pharma...
*drumroll*
Dra. Llamas.
syemre nandun din si Handouts Goddess na si Mam Bee, at grabe ang ngiti niya sakin, "Ayan, magpapharma ka na!" sabay kumanta ako ng "Bakit ngayon ka lang"... nagtawanan silang dalawa... Si Dra Llamas, biglang sinabi, o, irreg nanaman, tama nang Physio nalang ha? ngayon pa lang mag-aral ka na. may quiz tayo sa first day. why not? first day of classes may exam.
"naku mam, may outing ata ako nun"
"icancel mo na. icancel mo ang lahat para sa pharma."
"oo nga po, pharma major ako ngayon eh. buti magaan dahil wla nang micro and others"
sabay tawa. tumatawa lang kaming tatlo hanggang paalis ako. at sabay isa pang hirit ng word of wisdom ni Dra Llamas sakin:
"Sige lang, tumawa ka muna ngayon" with a grin on her face
Time stopped. And her words echoed many times inside. a cold wind passed by, and outside, it started to rain again, and all i can hear were the hisses of paper coming out of mam bee's lair. we all know what she means. She's not trying to scare me, she's just stating the cold truth...
That Pharma is going to be Epic. I've been warned by every Medical student who've been through it, some will be taking it again, some said goobye to UST Med just because of it. Even the gods of med said it's hard. Even the Residents say it's hard. Even the professors say it's hard. Maybe even God would say it is hard?
This is it. The battle of drugs, antibiotics, narcotics, analgesics, NSAIDS.
The battle of endless monday nights, of eternal thursday nights,
of prayers
and of faith,
and of willpower.
Hello to the Love of my Life
Hello, Pharmacology.
Let's do this.
(for non-med peeps, Pharma is believed to be the Hardest subject in UST Med. Has the worst mortality rate, even worse than Revalida.)

Monday, 18 May 2009
Our Little Princess
our little girl just celebrated her debut last saturday :)
and like what Dad said, no matter what happens, when she grows up and have a family of her own, she would always be our little princess. :)
i realized that the more than one year of planning for a 5 hour debut is, indeed, worth it. :) because we can see in her eyes that she really was happy. :) and we are too.
gatecrashers should be tortured to death. and i realized, when Pae said, "huwag mong uupakan yan kuya.", i immediately complied. (but i ran to the Misa and dwtl table to rant about it, haha)
i realized She has so many friends. and so many people love her aside from us. hahaha.
the four of us are all growing up. but then, we are all growing closer together, all growing up together. That there will always be a time where the 4 of us will sit by the sofa and laugh about how our life's going about. laugh about each other, and laugh about ourselves.
and DWTL has made us more close. after every weekend, while all of us are going home tired, we'd still talk about how the batch has been and how great He is. especially when someone dear to us is a candidate. ahem. kirk. ahem. :)
and again, we are, growing up. and growing old. but like what a dwtl song says, "Together you and I will grow in love, walk through rough times hand in hand."
that with all the girls i know, she has the only right to shout at me. because i know she'd say sorry right after. :)
and yes, i'm drunk while doing this. haha. :) I love Pae. I love mi familia. I love mi Life. :D
Tuesday, 28 April 2009
Kambal sa Uma
jusmio. wala na bang maisip ang mga pinoy? Channel 2, ok lang ba kayo?
nakakasira ng araw. napakagandang pambungad sa umaga ko.
Sino ba naman ang maniniwala na ang kambal ay isang DAGA?!?! tapos yung other half ang ganda ganda? sigurado ba kayongng iisang placenta lang ang pinagswimmingan nyo?
At sino ba namang artista ang papayag sa role na yun? Isa kang kalahating daga at kakambal mo ay si shaina? Euthanasia nalang mehn! Euthanasia!
Panginoon, patawarin mo sila, pagka't di nila alam ang kanilang ginagawa...

Una Kokey, tapos Bakekang, tapos ito? ano nang next?
"Ang nanay kong manananggal", Starring Ruffa Guitierrez and Anabel Rama. Ruffa: "Mother why are you so ugly and you produced a goddess like me?"
"Ang syota kong kabayo", starring Joross Gamboa pero may twist. pinagkakaguluhan siya nila Mariel Rodriquez, Toni Gonzaga at Bianca... Gaganapin yun sa loob ng PBB house.
"Ang basurera kong mahal na taga Outer space", Sarah and John Lloyd. kayo na ang mag-imagine
"Kris Aquino at ang kanyang Illusions of Grandeur" - all about her. 5 times a week, 1 hour a day. followed by.... " Kris Aquino and Baby James" Another 1 Hour. Pwede ring magsubscribe sa Kris Aquino 24 Hours
o remake ba ang gusto nyo? how about:
"Mara and Clara and the Cyborgs" since nag-asawa na si Mara at Clara sa tunay na buhay...well, tuloy pa rin ang buhay... every end ng episode nagsasampalan silang dalawa para matuwa ang lahat ng katulongs all around the world.
"Ang paghihiganti ni Valiente" - may lightsaber na siya. At may ewoks na alagad.
"Mula sa Puso: Celina's Revenge for the Nth time" -- remember? nasagasaan si Celina sa season finale ng Mula sa Puso? nabuhay siya nun mehn. At siya ay magbabalik na may prosthetic heart, knee, hands, pero lagi siyang nakashades para mukha pa ring kontrabida.
jusko naman. bat ganto ang mga palabas ngayon?

Wednesday, 15 April 2009
A Year Ago Today
A Year Ago...
The week of April 10, 2008.
The week of April 10, 2008.
If there is one week in Medschool that could singlehandedly determine your fate, it would be the week of remedial exams. Make or break. All or Nothing. Pass or Fail. No more second chances. It's the single exam that determines your stay in Med: Stay the same, stay longer, or goodblye. Last year, I took quite a lot. Passed most of it
... and on April 10, 2008, I found out that failed one: Physiology.
This is where this story begins.
This blog was supposed to be written a year ago, just as that picture above was taken. It's just that i was too devastated to write the blog. A year ago I cannot wrap the reason behind the failure, how much more when i wrap it with words? I Failed an 8 Unit subject that will hold me back for a year. Ironic that Physiology is the only subject i PASSED during the first shift.
I dont want to relive the gory details. All I can tell and remember, is that, I locked myself inside the house for one whole week, spent 60% of the time sleeping, and the remaining percentage, I wished I was asleep. I forced myself to forget, but then again, i cannot forget that for it will get back to me sooner or later.
I didn't go to any outings that summer. except for one Laguna Escape. I didn't pursue any plans I had this summer. No advance readings or Gym memberships. No Plan. No Life. I just cultivated my thoughts on me, failing. me... failing. I was a failure. i even considered the thought of quitting medschool that time. changing a career. or just, wished to die just to save me from the shame. i know. it's so emo. it's so me.
----
Come Physiology take 2.
They say love is sweeter the second time around. That's not true in Med. Because those ghosts of Signal Transduction, and Hormones, and Immunology haunted me again. Aby and Alay told me sila daw bahala sakin sa section nila. So kind of them. They made adapting to a new section become so easier. Section C 2012 has been great to us, they treated us as their own, and didn't marginalize us just because we are irregs. Thanks to them. Specially C5. Special mention to our buddies doon Sharon, Patacs, WINSTHTON, Nong, Iggy.. and of course, Aby and Alay. They made it a LOT easier for us. Love may not be sweeter the second time around, it wasnt that bitter either.
Fast Foward... Today.
I've always asked myself... What if I didnt fail that day? What if, im not 4, or 8, or 2 points short? What if I passed last year's exams?... I probably would be struggling now, or preparing to wear a V-neck. My I haven't found myself yet.
This school year, because of the non-toxic sched, I became a part of Medisine, a lot of inumans, met a lot of friends, became closer to my siblings, bonded more with my parents and cousins became staff of UST DWTL 69 which put me perspectives right on track... And like what I've always said, I probably failed Physio last year so that It will make way to me to become R of USTDWTL70,hahaha. At DWTL 70, I relived my Days experience. And reminded me of the little wonders that i still have inside me. It reminded me of His plans. That little by little, I see the answers. All I have to do, is have faith, and believe. There is a plan. Basta Ikaw
Failures, are indeed not obstacles that we stumble upon. They are springboards for us to reach higher, and jump better.
---
So, as i was sitting there at the sand, under the orange-pinkish skies, and the waves, slightly pushing and pulling me. and as the sun unselfishly showers upon his final flecks of ultraviolet shade upon my toasted face, a smile has drawn upon my face for i realized something... this exact spot where I was sitting, was also the same spot that i chose to watch the sunset least year.
A year ago today,
I didnt believe in myself,
I didnt trust myself.
I was just full of pity and regrets.
But then again, somewhere along the way, I realized that maybe I was beating myself too much. I was punishing and becoming mad at myself more than what im supposed to be.
I realized That I'm too young to be bitter and suicidal.
That I'm too smart to quit med. (we all are smart :D )
That I can always be damn better than what i was, and am, and will ever be.
That life is too beautiful, to spend it in hatred. in regrets. in bitterness.
Because in reality,
I'm just beginning life.
I'm too young to give up on hope.
The best is yet to come.
And We've only just begun +
And finally, I have forgiven myself...
for every stupid mistake I did in the past
that made me the strong person that i am today.
From a text message I received last year:
"The strongest people has the most problems,
the worst situations,
It is not because God wanted us to suffer.
It is because He, trusts us enough
that he knows, we can get through"

Tuesday, 24 March 2009
Where is TV?
(Spoiler Alert)
bakit ang pangit na ng Grey's Anatomy ngayon? Dati masyado akong attached pag nanonood ng Grey's Pero ngayon, di ko napapansin chinechek ko yung email ko habang pinaplay yung Grey's...
nagsimula to nung sa episode na si Izzie ay nakikipagsex with his Dead Ex boyfriend? WTF?!
and parang wala nang sense ang mga storya... Nasira yung etits ni Sloan, nag-away si Meredith at Cristina pero parang wala lang, yung mga loser interns nila ang bobobo. Tapos sex nalang sila ng sex sa isa't isa.
tapos walang episode na magsasalita yung isa, tapos, yung isa tahimik. tapos pag napuno na yung isa, sisigaw nalang siya dun sa kausap niya or magtataas ng boses, tapos magwawalkout siya...
and ampangit umacting nung boyfriend ni Cristina. halatang pilit. nag audition ba siya o nakipagtalik muna siya sa isang producer para ma-hire na agad?
at bakit parang bawat episode walang progress na nangyayari sa kanila? meron kung meron pero sobrang onti lang. para ngang ndi mo na kailangang irefresh pa sa part na, "Previously on Greys anatomy"...
and what the Hell did Saydie do there? tapos bigla bigla ding umalis? bat bigla na rin umalis si Dr Han dahil lang nag-away sila ng Cheif? Bakit kung sino sino nalang characters and andun at basta basta nalang sila umaalis after nilang makipagtalik sa isa't isa?
anong nangyari sa Grey's?
bakit ang pangit na ng House ngayon? Dati masyado akong attached pag nanonood ng House Pero ngayon, di ko napapansin chinechek ko yung email ko habang pinaplay yung House...
Bakit angpanit ni Foreman? At bakit naging syota niya ang Hot na si Thirteen?
Speaking of Thirteen, pwede na nilang palitan ang title ng show na House at gawing " 13's Huntington's" halos kalahati na ng airtime sakanya. yung other half naman kay Cuddy at sa paggawa niya ng anak
At bakit bumabait si House? nasaan an ang kupal na house na minahal nating lahat? hahaha
at asan na ang mga astig na cases? bat ngayon parang hindi na nila ineexplain masyado ang pathology ng Patient? dati meron pang animation ang mga RBC at interstitium nung patient pero ngayon, nagugulat nalang ako nasolve na pala ang case at tapos na pala. What?
At para na rin Grey's. Pwede mong panoorin ang mga episodes sa halos walang particulkar na order pero makakasunod ka pa rin kahit papano.
bakit ang pangit na ng One Tree Hill ngayon? Dati masyado akong attached pag nanonood ng OTH ngayon, di ko napapansin chinechek ko yung email ko habang pinaplay yung OTH...
kasi naman, wala na silang problema nung end ng season 4... so ngayong season 6 na, ginagawan nalang nila ng kung anu anong walang kwentang problema.
I Love OTH and all pero, ampupu naman, tapusin nyo na to kasi matatanda na sila. Magaganda ang mga quotes nila, pero merong isang napakawalang kwentang episode talaga na hindi ka pinanood dahil sa sobrang walang kwenta. imagine mo, buong episode, ay isang PANAGINIP?! walang progress. walang wala. parang tanga. sayang. ok sana yung start ng season nung namatay si Q pero hindi naman nafollow up. Tsktsk.
mas marami pang loyal fans ang Wowowee kesa sa OTH ngayon.
owel. masarap lang talagang mag rant. LOST pa rin ang best TV show ever! at SURVIVOR pa pala! hahaha..

Wednesday, 18 March 2009
Cobra Energy Drink
52 Hours na akong gising ngayon. At labag ito sa kalooban ko. Uminom kasi ako ng Cobra Energy drink.... sabi nila, bibilis lang ang heart rate mo nun, e sabi ko naman mabilis naman talaga ang heart rate ko kasi hypertensive nako kaya walang mawawala.
At doon nagsimula ang aking krusada...
sampung piso lang ang bili ko dito... at sa 10 na yun kapalit na niya ang mga ginagawa kong panggising sa sarili ko:
1. dinaig pa niya ang panggising sakin ng isang Venti ng Frapucchino ng Starbucks (tama ba? di ko pa alam iispell. cmon)
2. pagpapakurot sa isang kaklase sa aking brachioradialis, or triceps long head or sa risorius. preferrably cute ang kukurot. Next year magpapaclamp ako ng surgical clamp para magising ng ganap.
3. maginternet at manood ng "Educational Videos" *grin*
4. maglaro ng Farm Freny, o Sally's Spa
5, Magspontaneous jumping jacks sa bahay
6. Kausapin ang sarili: "Karl, gising. Ampota. Gising gagu. gising na, kaibigan, bangon na, harapin mo ang silangan... SUNOG! SUNOG! KAAAARL!!!" reply: "saaaan?!", reply, "ayan, gising ka na!!! yehey", "shet karl, tinakot mo ko karl" <schizo?!>
pero di ko na kailangang gawin kahit isa sa mga yun dahil graaabe ang effectivity ng Cobra Energy drink. Gising na gising nun. Pero meron din akong napansin mga Adverse effects ng Drink na yun:
1. HINDI SIYA MASARAP. lasa siyang carbonated na calpol. bukod sa mukha na ngang ihi ng kabayo ang kulay niya, ang sagwa ng lasa niya. may kanya kanyang panglasa ang bawat nilalang. siguro nagugustuhan siya ng mga jeepney driver, kargador, barbero, construction workers, basurero at ni Amai pero ako hindi. Buti nalang may pampalubag na loob na bubbles na nagmumukha siya tuloy na softdrinks. Pinipikit ko nalang mata ko pag iniinom to.
2. Speaking of mata, mga 10 minutes after the onset ng drug na yun, may mga times na nagbblurr bigla ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil lang sa katabaan ko yun at HB o puyat at pagod lang talaga pero first time kong nafeel yun.
3. Pag nakahiga ka hindi ka aantukin. Parang pinagbabawal kang matulog ng ininom mo. Pinilit kong matulog. pinilit kong tamarin pero hanggang stage 1 sleep at madali kang maistorbo sa maliliit na stimulus.
4. ang sakit ng ulo ko lalo na sa may bandang occipital lobe paggising ko mula sa pseudo sleep. Pero hindi ako inantok sa exam kanina kahit mahirap ang exam.
so ayun... i had one nung Wednesday morning at isa pa nung Wed night... lutang ako ngayon. di pa rin ako makatulog pero gusto ko. gusto ko nang humiga sa kama dahil tapos na ang Micro Finals pero di ko pa rin magawa... Gusto ko nang managinip pero tumutunog ang phone ko at nagigising ako uli, grabe... dalawang bote lang yan ng Cobra
...o di kaya placebo ko lang to? what if flavored carbonated kalawang lang tlga ang cobra energy drink?
...pero ito lang masasabi ko... kung ayaw nyong matulog... try nyo ang Cobra....
at ako, ittry ko namang matulog uli.. :s

Subscribe to:
Posts (Atom)