Sunday, 26 August 2007

+ basta ikaw...

"Look at all my Trials and Tribulations, Sinking in a gentle pool of wine"

in Days, we gather into a beautiful place, in the name of one person, and concentrate to give out all the help and love we can give to make the next set of Dazers feel the love everyone felt during our time. In there, we shut out everything else. School, Work, Fears, Low Grades, Family Problems, and use the weekend to renew our faith, our commitment, and ourselves.

For me, the weekend never fails to take me apart from all the anxieties i feel. with each song, activity, talk, or even just the silent moments there... it all makes me forget that i'm Karl the Med Student, or Karl the Eldest in the family. It's just Karl. No titles or brands whatsoever.

I needed the Days this weekend. Its one of the weekends that i needed to stop everything in this fast paced life and just focus and refocus and take a time off for me to think, and recharge this tired mind of mine. nagmulto daw si Stephen, buti hindi sakin. Sobrang thanks din sa Family ni Stephen for the Great food na binigay nila samin, (waaa crabs!). Thanks to Ayeen and Dave. Thanks to the Core group. Thanks to the staff especially Gayle, Tin and Amil. Thanks to Jhun and Joann the J&J/R&R, thanks kay at Chel, Dorx, Kukoi, Burnz, and of Course, to Jess.

for the wonderful weekend.

congrats to Jane, BJ, Pia, Julia and Pia.


+bastaikawlord.

"Morning comes and I must go, day is breaking yonder.

After all the places I have been, now I’m going home."

nakakamiss.

Tuesday, 21 August 2007

helpf

you guys know any easier way to upload photos? wala na ang yahoo photos eh... ang jologs pala ng flicker, so, saaaaaann?? ayokong mag upload, select, click, ng amraming beses TAMAD AKO EH! hahahaa!

 

help? anyone? :)

Thursday, 16 August 2007

basta ikaw, stephen


sorry tol, ngayon lang nagka-time magblog. haha. panu ba yan, dwtl63 na next week.

its been 9 batches since i became a dazer, been a candidate, sponsor, staffer, driver, grabber, runner, proxy, and  giver. dwtl has changed my life and had always been there for me to run to, or as a refuge when im down... i always listen to dwtl songs i illegally downloaded and ripped the cd that i borrowed from stephen last batch. he said its illegal, but he still gave me the cd. haha.

...

dwtl 54
my batch.

19 candidates with Gayle, and Kris, Emai, Enrico, Chuds, Penn, Dkee, Aina, Dyan, Ysa, Thea, Venus, Carlo, and others i forgot. haha. with Kris and Olive as our R&R

you were the last speaker. the last talk, and i can still remember the question you asked our group that day, "How do you feel ngayon at matatapos na ang Days?"

and I answered, "I Feel so High." In your talk you talked about your mum, your family, and days. always days.

since then ive been noticing you walking around the corridors of main, greeting greg, and seems like sobrang pakalatkalat ka nun. haha.

dwtl57

i heard you singing the last supper. that's when i appreciated the song a lot more cause for the first time i understood the lyrics. haha.

dwtl58

i was a staff. and you were one of the heads. pinagalitan mo nga ako nun eh. haha. kasi napakadisorganized ko at may nabuhos akong mainit na GC. hahaha. "O KARL? ANO NA GAGAWIN MO DUN SA NABUHOS MO?!? BAT MO INIWAN??!" hahaha

"karl, mali ka. dapat ganto. dapat ganyan. Linisin mo nga ang util room, ang dumi dumi!"

"Karl, samahan mo ako, Duwag ako, diyan ka lang sa tabi, wag ka nang bumalik sa Control, hintayon mo na kaming matapos"

dwtl59

you were drenched in the rain. but you didnt mind. you thanked me for bringing the 8 candidates to antipolo.

dwtl61

you were scared of being assigned to a dark place because you know ghosts loom in Xavier.

dwtl62

my brother's batch. your last batch.

pinalo mo yung pwet ko nun at sabi mo, "O, lumalaki ka nanaman ah.. hahaha? Utol mo anjan?"

it felt weird because like what i tell everyone, we're not really close. and i felt there's a glow in you. you lent me the xavier dwtl cd, and of course i didnt know how to react, hindi nga tayo close diba? bakit moko pinapahiram ng CD? haha.

"Sabihin mo sa kapatid mo pag nakakaramdam siya ng multo wag niyang sasabihin ah?"

the first and last time we talked deeply was after the BIL Night. You gave words to me on how to handle my Brother/s, your dreams on becoming an opthalmologist, on not Joining a Frat, on our Days Experiences so Far, how Days had changed our lives, and how we help others change their lives by giving all the help we can give in DWTL.

you told me about your BIL night experience. tangina kinilabutan ako nung kinwento mo yun. you told me how sometimes, Givers like us are "Posessed" by Jess and how he uses us to give his message to the candis. We shared stuffs about the candidates we've met. And you said that the last Candidate you Gave was one of the best BILs youve made.

on the last day, you wore black. wala lang. hahahaha.

batch dinner. you approached me and jhun, and said, "Oi, mga future classmates ko to!"

ust med

The last time i saw you, you were with Jane, "Stephen! Andito si Doc Bix! Nakita mo?"

"oo, andun, may kausap eh"

...

and that was it. the last of you.

pucha andrama. pero, yun eh.

Ganto pala mamatayan ng kaibigan. Hindi nga kami close pero tangina nahirapan pa rin akong iprocess sa utak ko ang mga nangyari. how much more pa pala kung ang namatay ay isang taong mas close pa sakin. juskopo. ganto pala. ang hirap pala, masakit. masaklap. ang hirap tanggapin...

so... dwtl 63 na. another Antipolo Days Batch. Wag ka sanang magmulto dude, tangina takot din ako sa multo, hindi ko lang pinakita sa iyo dati haha. Stephen, kung asan ka man, salamat. Salamat sa Days Experience, sa pagtulog gawin ng matino ang mga trabaho ko sa days. Thanks Tol,

Basta Ikaw, Stephen.

"Then when we retire, we can write the gospels and we all talk about it when me die" -the last supper

 

Monday, 6 August 2007

getting acquainted

"Bakit ba wala ka kasing ginagawa? Eto na ako at buong buo, walang labis at awalng kulang, bakit wala paring nangyayari satin?"

"nahihiya ako eh" sabi ni karl

"bakit naman?" sabi niya.

"ahmm.. kasi nu June lang tayo nagkakilala, though matagal na kitang nakikita

"so? e ngayong kilala mo ako wala ka namang ginagawa. nagpakahirap kang kunin ako pero tignan mo ang sarili mo ngayon. kaharap mo na, di mo pa pinapatulan"

"bakit mo ba kasi muna ako kailangang pahirapan pa?"

"para naman mas sulit ang sigaw mo pag natapos ka na. para naman titirik ang mata mo sa sarap pagkatapos. para naman sulit ang binayad mo sa akin"

"...hahaha. gago. sabi nga nila sadista ka nga daw."

"alam ko. pero dahil sa pagkasadistang yun, i bring out the best in every person i meet. and they thank me after that..."

"bakit ganun. andami na nilang dumaan sayo at iisa ang sinasabi nila. wala ka bang balak ibahin ang ganung image?" tanong ni karl

"wala" ang simple niyang sagot.

"bakit?"

"bakit hindi? edi mawawala na ang kalidad at reputasyon ko. haha. karl, ako na ang mundo mo ngayon. sa ayaw mo man o gusto, ako ang kasama mo sa umaga, gabi, mapapanaginipan mo, at iisipin mo palagi"

"napakademanding mo nga eh. badtrip. di ko pa nga nababasa ang harry potter dahil nauubos oras ko sayo eh"

"wag kang mag-alala karl, matututunan mo din akong mahalin. at wag kang mag-alala, ittry kong mahalin din kita"

ang tanong ay...kailan yun?


/end


im not talking to a bitch, or a girl, or a human being in the first place.im talking to Medicine. haha. read it again, mas may sense na at di na mukhang bastos. hehe.

Sunday, 5 August 2007

nakalimutan mo na bang magmahal?

(ts been a while since i posted a cheezy blog. haha. eew.)

As usual, nandito nanaman ako sa isang internet shop. Harinawa’y ito na ang isa sa mga pinakahuling pagkakataon na magbabayad ako para lang sa internet.

 In short: Putangina, sana magkaDSL na kami.

“Nakalimutan mo na bang magmahal?”

Kanina pa to kinakanta ng isang taong naglalaro ng online game sa likod ko. Hindi ko siya kilala. Paulit ulit niya tong binabanggit. LSS siguro sa kanya to. At syempre, hindi ako ang pinapatamaan niya.

Pero ito ang masaklap: tinamaan ako.

...

Ilang buwan na ba mula nang araw na  yun? Wala pang tatlong buong buwan mula nang hawak ko ang napakapayat mong mga kamay at naglalakad sa mall na sanay na sanay nating daanan. Halos wala ka pa ring pinagbago. Kumikinang ang iyong mga mata na tila umiiyak ngunit natatakpan ito ng bahid ng iyong mga ngiti. Malakas ang boses mo, malakas kang tumawa, madali kong napapabuka ang iyong mga bibig sa halakhak sa mga simpleng hirit ko lamang. Pero siyempre, mas maingay pa din ako.

Alam nating matatapos na ang araw na iyon.
Alam nating lalagyan na ng tuldok ang isang bagay na alam nating nagbuhat ng mga ginintuang aral mula sa iyo, sa akin, at sa ating dalawa.
Ayaw na kitang paiyakin. Oo, alam ko, iiyak ka nanaman. Wag kang mag-alala, minsan naiisip din kita. Pero alam kong kung ano mang desisyon noo’y magdudulot ng mas malakas na ikaw at ako, pero wala na ang tayo.

...

May kasabihan sa klase namin na, “Bawal Magkasakit. Bawal Malungkot. Bawal Masaktan. Bawal Matulog. Bawal Bumitaw. Ang Bumitaw ay magkaroon ng habang buhay na pagkalumo sa sarili.”

Pagkatapos bumagsak ng isang exam, kailangan maka-move-on agad para sa susunod na exam dahil ang pagmumukmok ay magdudulot lamang ng mas malalang mga numero. Pag-uwi mo ng bahay, wala ka nang panahong kamustahin ang kapatid mo kung anong balita sa Play niya, wala nang panahong manood ng TV (tangina, 44 na daw pala ang dollar ngayon?!?), at magiinternet lamang para sa akademikal na dahilan. (Nagdodownload ako ng Anatomy Dissection ngayon habang nagbblog!)

Alam ko tong pinasok ko. Ngunit sa sobrang bilis ng mga pangyayari sa mundo namin, eto biglang sabay bato ng isang tanong ng isang taong hindi ko man lang kilala: Nakalimutan mo na bang magmahal?

Nakalimutan mo na bang ilublob kahit minsan ang iyong sarili sa mga yakap ng isang taong gustong gusto mo nang yakapin pagkalipas ng tila mahabang panahon? Nakalimutan mo na bang magmahal? Nalimutan mo na ba ang number niya? and number ng nanay niya? and number ng landline nila na may operator pa, nalimutan mo na ba kung pano pumunta sa bahay nila?

Nakalimutan mo na bang magmahal?

...hindi ko masagot.

pero ikaw? ikaw. ikaw.
nalimutan na ba kita?

ito ang pwede kong masagot: hindi
hindi kita malilimutan.

at sa kung ano man ang atin dati ay matatawag na pagmamahal.
marahil ay di ko nga malilimutang magmahal.

=========

yuck ankorni ko. haha. :P