Sunday, 5 August 2007

nakalimutan mo na bang magmahal?

(ts been a while since i posted a cheezy blog. haha. eew.)

As usual, nandito nanaman ako sa isang internet shop. Harinawa’y ito na ang isa sa mga pinakahuling pagkakataon na magbabayad ako para lang sa internet.

 In short: Putangina, sana magkaDSL na kami.

“Nakalimutan mo na bang magmahal?”

Kanina pa to kinakanta ng isang taong naglalaro ng online game sa likod ko. Hindi ko siya kilala. Paulit ulit niya tong binabanggit. LSS siguro sa kanya to. At syempre, hindi ako ang pinapatamaan niya.

Pero ito ang masaklap: tinamaan ako.

...

Ilang buwan na ba mula nang araw na  yun? Wala pang tatlong buong buwan mula nang hawak ko ang napakapayat mong mga kamay at naglalakad sa mall na sanay na sanay nating daanan. Halos wala ka pa ring pinagbago. Kumikinang ang iyong mga mata na tila umiiyak ngunit natatakpan ito ng bahid ng iyong mga ngiti. Malakas ang boses mo, malakas kang tumawa, madali kong napapabuka ang iyong mga bibig sa halakhak sa mga simpleng hirit ko lamang. Pero siyempre, mas maingay pa din ako.

Alam nating matatapos na ang araw na iyon.
Alam nating lalagyan na ng tuldok ang isang bagay na alam nating nagbuhat ng mga ginintuang aral mula sa iyo, sa akin, at sa ating dalawa.
Ayaw na kitang paiyakin. Oo, alam ko, iiyak ka nanaman. Wag kang mag-alala, minsan naiisip din kita. Pero alam kong kung ano mang desisyon noo’y magdudulot ng mas malakas na ikaw at ako, pero wala na ang tayo.

...

May kasabihan sa klase namin na, “Bawal Magkasakit. Bawal Malungkot. Bawal Masaktan. Bawal Matulog. Bawal Bumitaw. Ang Bumitaw ay magkaroon ng habang buhay na pagkalumo sa sarili.”

Pagkatapos bumagsak ng isang exam, kailangan maka-move-on agad para sa susunod na exam dahil ang pagmumukmok ay magdudulot lamang ng mas malalang mga numero. Pag-uwi mo ng bahay, wala ka nang panahong kamustahin ang kapatid mo kung anong balita sa Play niya, wala nang panahong manood ng TV (tangina, 44 na daw pala ang dollar ngayon?!?), at magiinternet lamang para sa akademikal na dahilan. (Nagdodownload ako ng Anatomy Dissection ngayon habang nagbblog!)

Alam ko tong pinasok ko. Ngunit sa sobrang bilis ng mga pangyayari sa mundo namin, eto biglang sabay bato ng isang tanong ng isang taong hindi ko man lang kilala: Nakalimutan mo na bang magmahal?

Nakalimutan mo na bang ilublob kahit minsan ang iyong sarili sa mga yakap ng isang taong gustong gusto mo nang yakapin pagkalipas ng tila mahabang panahon? Nakalimutan mo na bang magmahal? Nalimutan mo na ba ang number niya? and number ng nanay niya? and number ng landline nila na may operator pa, nalimutan mo na ba kung pano pumunta sa bahay nila?

Nakalimutan mo na bang magmahal?

...hindi ko masagot.

pero ikaw? ikaw. ikaw.
nalimutan na ba kita?

ito ang pwede kong masagot: hindi
hindi kita malilimutan.

at sa kung ano man ang atin dati ay matatawag na pagmamahal.
marahil ay di ko nga malilimutang magmahal.

=========

yuck ankorni ko. haha. :P

10 comments:

  1. hahahahahahahahahahahahahahaha!!!! kc nman maxadong mong sineseryoso ang med. eh ikaw, sineseryoso ka ba ng med??? di nman ah! hehehe. ito'y isang opinyon lamang mula sa isang tao na madalang lng mgseryoso.

    ReplyDelete
  2. karl hindi ka pa rin nagbabago.

    ReplyDelete
  3. lmao. how about... nakalimutan ka na ba ng pagmamahal? :))

    ReplyDelete
  4. hehe cheezy blog nga =) ok lang yan... pakshet noh?

    ReplyDelete
  5. i can super relate. you're not alone, buddy!

    ReplyDelete
  6. haha trip lang yung blog na yun mehn gusto ko lang magdrama then move one agad. pucha di nga ako sineseryoso ng med eh. nagkakahiyaan pa kami.

    ReplyDelete
  7. hAHAHha... uy nagbago din ako kahit papano. haha

    ReplyDelete
  8. hahaha pwede din. mas mukha ngang may sense. hehehe.

    ReplyDelete
  9. masasanay ka din sa mga cheezy blogs ko balang araw. hahaha. hay. layp

    ReplyDelete
  10. haha iba tlga ang med nuh hahha

    ReplyDelete