Monday, 6 August 2007

getting acquainted

"Bakit ba wala ka kasing ginagawa? Eto na ako at buong buo, walang labis at awalng kulang, bakit wala paring nangyayari satin?"

"nahihiya ako eh" sabi ni karl

"bakit naman?" sabi niya.

"ahmm.. kasi nu June lang tayo nagkakilala, though matagal na kitang nakikita

"so? e ngayong kilala mo ako wala ka namang ginagawa. nagpakahirap kang kunin ako pero tignan mo ang sarili mo ngayon. kaharap mo na, di mo pa pinapatulan"

"bakit mo ba kasi muna ako kailangang pahirapan pa?"

"para naman mas sulit ang sigaw mo pag natapos ka na. para naman titirik ang mata mo sa sarap pagkatapos. para naman sulit ang binayad mo sa akin"

"...hahaha. gago. sabi nga nila sadista ka nga daw."

"alam ko. pero dahil sa pagkasadistang yun, i bring out the best in every person i meet. and they thank me after that..."

"bakit ganun. andami na nilang dumaan sayo at iisa ang sinasabi nila. wala ka bang balak ibahin ang ganung image?" tanong ni karl

"wala" ang simple niyang sagot.

"bakit?"

"bakit hindi? edi mawawala na ang kalidad at reputasyon ko. haha. karl, ako na ang mundo mo ngayon. sa ayaw mo man o gusto, ako ang kasama mo sa umaga, gabi, mapapanaginipan mo, at iisipin mo palagi"

"napakademanding mo nga eh. badtrip. di ko pa nga nababasa ang harry potter dahil nauubos oras ko sayo eh"

"wag kang mag-alala karl, matututunan mo din akong mahalin. at wag kang mag-alala, ittry kong mahalin din kita"

ang tanong ay...kailan yun?


/end


im not talking to a bitch, or a girl, or a human being in the first place.im talking to Medicine. haha. read it again, mas may sense na at di na mukhang bastos. hehe.

8 comments:

  1. Galeng dude, my thoughts exactly!

    ReplyDelete
  2. hahahahahaha!!!! sabi ko na nga ba!!! basta ikaw Karl... ingenious.

    ReplyDelete
  3. parang mga eksena pag WOTC night ah. hahaha.

    ReplyDelete
  4. hahaha thanks. sana walang pasok sa friday. im sick again wahhh. :( hapi studyin

    ReplyDelete
  5. hahaha "IKAAAAWWW!!" "Gago Gago! Tama nga ang sinabi nila Gago ka nga" blabla... hahaha. :P

    ReplyDelete