Sino ba si Silverman? Paano ba maging subscriber kay Silverman? Parang andami niyang Fans sa Med. at ang weird pa dun ay karamihan sa mga taong di niya kaklase ay di kilala kung sino siya. Pero alam nila ang logo niya, at pati ang bagong logo niya mula nang Neuro Practical Exams.
Haha. Sobrang sikat ng Silverman notes. May colored version, Black and White at Photocopy Version. Nahahati sa Dalawa yung Photocopy Version. isang Powder copy at isang Liquid copy. At syempre, meron din soft copy.
Balita ko maganda daw GF niya eh. cool. Natawa nalang ako nung Nutrition Fest dahil si Silverman si Lastikman, at Fil-Am pala siya, ampotah, tawa ako ng tawa dahil nilagay niya sa braso niya ang script niya. hahaha. Aliw.
Ang galing din niyang mag summarize ng mga handouts. Akalain mo, yung 60+ pages ng Anatomy namin, yakang yaka niyang ibuod sa 15 Pages lang, at may drawing pa. at minsan may Mnemonic pa. At may koneksyon ba siya sa langit? bakit ung Histo Long Exams lumalabas ang mga sinusulat niya, lalo na nung first shifting, word per word.
Nagpiprint ako ng Silverman notes ngayon. Kung pagsasama-samahin lahat ng nakuha kong notes sa kanya... matatalo nito ang Handouts ko sa Epid. Kasi niwawala ko ang mga hanouts sa Epid. Pero ang Silverman notes, kulang nalang isama ko sa pagpapabookbind.
At akala ko Joke time yung Surname niya. Or baka it's just his way of being cool. Pero shet. Yun pala talaga yung Surname niya. Parang Silver Surver na Superman combined. So cool. Soo Cool.
If ever mabasa man ni Silverman to, alam kong di niya naiintindihan ang mga sinasabi ko. pero dude, kung alam mo lang kung ilang Med Students ang natulungan mo... Kung magbabayad kami ng Piso sa bawat page na nakuha namin na gawa mo, malamang may pang tuition ka na Next Sem. Pero di pa kasama ang Libro nun. :P Kung papipilahin mo lahat ng Estudyanteng ginamit ang handouts mo, maiikot nila ang buong First Floor ng Med na parang Registration or Enrollment. Ibig sabihin ganun kadami ang Crammers sa Medicine. waha.
Sana next year marami ka pang magawang Reviewer. Sana next year andito pa ako. Sana Next year meron ka na rin Dissection Video, Surgery Video, Pedia Video, Pharmacology Mnemonics. Wow. sobrang cool talaga.
Andaming taong hindi nakapagpasalamat sa iyo. Hayaan mong ako na ang magpasalamat para sa aming lahat. In behalf of all the Crammers of UST Medicine and Surgery, and The Xerox Ladies na Pinapayaman natin lalo na pag Shiftings, Salamat Silverman. hahaha. :)
if you want to be a subscriber of Silverman, text SILVERMAN<Space>ON and Send to 2366.
if you just want anatomy, or neuroana, text SILVERMAN<space>ON<space>ANATOMY send to 2366.
comments? corrections? violent rections kay Silverman? Nah. :P (ayan Top Edited na) hehe
haha! napatawa mo ako karl! salamat! at salamat na rin kay silverman! :)
ReplyDeleteYeah! Nice one Karl!
ReplyDeleteSino si Silverman?
ReplyDeleteSiya ay isang superhero.
Sugo siya ng Diyos upang tulungan ang mga nangangailangan sa mundo ng medisina.
hehe..=P
"comments? corrections? violent rections kay Silverman? text I'M-A-SMART-ASSGO-TO-HELL(smiley) Send to Your Number."
ReplyDeleteedit mo dude yung violent rections. iba naiisip ko e.. haha..
;)
ReplyDeletethanks Gino :P
ReplyDeleteparang SuperHero talaga yun name diba? wahahaha
ReplyDeleteah? bakit? haha
ReplyDeletehaha! si mikey silverman ay fil-am. doctor ata one or both of his parents. ust grad din kaya siguro siya nandito ngayon. dati siyang vice-president ng section D, ngayon president na dahil nag step down yung dating president. computer/business course ata kinuha niya nung college... basta madami siya alam sa computer kaya mahusay siya gumawa ng reviewer. for histology, "inaaral" niya ang mga lumang samplex and from there, saka siya gumagawa ng mga "high-yield" notes... kaya ganun na lang ka-accurate ang mga notes niya. addict ata to gumawa ng notes. kahit daw sa class/lectures, naka-open lang ang laptop niya... gawa lang ng gawa ng notes. at oo, maganda ang girlfriend niya, fil-am din, nasa section A.
ReplyDeletebakit ang dami kong alam tungkol kay mikey silverman?
kilala ko ba siya? hinde. lagi ko lang siya nakikita pakalat-kalat sa school.
stalker ba ako? siguro...
chismosa? mismo!
pero accurate tong mga information ko. promise.
sa haba ng comment ko, pwede na ako gumawa ng panibagong blog.
mabuhay si mikey silverman!
wahahaha! napatawa mo ko dun Sabby! andaming info ah! hahaha you shouldve seen him nung nutrifest! hahaha! Stalker! :P thanks thanks. nakakagulat andami mong alam sa kanya. hahaha. samantalang isang malaking misteryo siya samin! ahehehe!
ReplyDeletehaha.. wow.. Biographer?hehe..
ReplyDeletewhat's next? comic strip ni silverman sa varsitarian?hahaha
hahaha... hi karl... ppbasa ko 2 kay mikey ha... Ü
ReplyDeletehaha oo buh. :)
ReplyDeleteaba... may bagong update... mali yung nabigay na info sa akin... HINDI pala siya computer/business graduate... BASTA IBA. i stand corrected. sorry naman.
ReplyDeletewhy do i know all these things?? ang creepy ko.
wahahaha :) funny ka Sabby! wahaha! uy papabasa daw ng friend ko to kay Mikey. hahaha. :)
ReplyDeletesige lang... nakakahiya nga lang... parang creepy stalker ang dating ko. pero hindi ko talaga sinasadya to. naririnig ko lang.
ReplyDeletesana nga mabasa niya. para naman makapagpasalamat tayong lahat.
kahit hindi natin siya kilala.
yepyep. he deserves it. :) sana nga lang maintindihan niya yung mga pinagsasabi natin. haha
ReplyDeletehaha ang kulet ng pagkakasulat!!! iusa rin ako sa mga nakikinabang sa mga notes nya eh...next year nga di na ako bibili ng books, notes na lang nya pede na hehe!!!
ReplyDeleteGo Isay!! Hahahaha thanks Mr. Silverman!!
ReplyDeleteuy tama! ndi na rin ako bibili! magsubscribe nalang tayo sa kanya! wahaha!
ReplyDeletenakakatuwa ang dami alam ni Issa kei Silverman. haha. :)
ReplyDeleteuu nga!! hahaha...
ReplyDeletego alan's cousin to think alan wanted me to make sure he'd get along in ust well haha masmasipag pa ata toh sa akin
ReplyDeletemasipag nga tlga mehn. la ko masabi. haha. andami ngang nakikinabang sa kanyang kabutihan. hehe.
ReplyDeleteWinner Karl. :D *claps hands* This entry made my day. :D
ReplyDeleteand if he (mikee) ever reads what you wrote i doubt he'd understand it
ReplyDeletefor the science people alan is alan guererro the sc / football guy
thanks kelly. :) hehehe
ReplyDeletenabasa na niya. and he needs an interpreter daw. hahaha
ReplyDeletehahaha, this really made my week. thanks for all the gratitude guys, it really meant a lot! you're right...i didn't understand it until i got it translated...haha! but i'm glad i could help! thanks again and good luck on finals guys :)
ReplyDeletehahaha! kami nga ang dapat magpasalamat eh. (shet, di ko maenglish) hahaha. next year we'll subscribe to your reviewers again. hahaha thanks!
ReplyDeletewow karl... patok sa takilya tong blog mo. hayop.
ReplyDeleteoo dude, andami ngang views eh. haha. tapos nung kasama natin section sa prax kanina, i hear people saying, "i siya yung gumawa nung blog"... ngapala, kinamayan ko si Silverman kanina. naging Silver kamay ko. joke. haha. labo. :P
ReplyDelete