Nakakatawa pag puso ang pinaguusapan. Nagpakasal si Mariel Rodriguez kay Robin Padilla kahit under 6 months palang silang naglalampungan. Si Kris Aquino minahal parin si James Yap kahit walang tigil na nakikipagkangkangan ang asawa niya sa kung sino sino – at chismis ng faci namin sa Surgery, may nabuntis pa daw siyang Med Student ng UST. Shhh. Nagpapakatangang mag-agawan si Jacob at Edward sa di naman kagandahang si Bella. Libo libong barko ang pinakawalan para lang iligtas si Helen ng Troy. At si Romeo at Juliet ay nagpakamatay - Kasi akala nung isa, patay na yung isa kaya nagpakamatay na siya, paggising nung isa, nagulat siya kasi nagpakamatay yung mahal niya dahil akala niya na patay na siya… kaya, nagpakamatay nga talaga siya. Magsama silang magyakapan sa impyerno.
Kung ikaw siguro ay pinapanood lang sila from a distance na walang emotional involvement, malamang isa lang masasabi mo sa kanila: ang tatanga nilang lahat.
Pero mas nakakatawang isipin kung ikaw na ang nasa kwento. Kung ikaw na ang pinagtaksilan ng asawa mo sa isang receptionist dahil lang buntis ka at di mo mabigay ang mga makamundong pagnanasa nya. Na binabalikan mo yung syota mong nakipaghalikan sa iba at pinatawad mo kasi nga naman ‘lasing daw sya’. Pano kung ikaw na yung nasa kwento? Ikaw na ang nagchichicken dance dahil nakakakilig yung text nung nilalandi mo. Na di ka mapakali kakagulong sa kama mo kasi hindi pa siya nagrereply. Na nagpapakamartir ka sa isang taong may pinili nang iba pero anjan ka pa rin kahit mukha kang tanga pero di mo kasi marealize na ampangit pangit mo kaya di ka nya magustuhan. Yung di ka kakain ng 3 linggo para lang sa isang araw na date. Di ka magaaral sa Exam mo sa Radiology kinabukasan dahil sa dami ng iniisip mo… maiisip mo, ‘oo nga no, isa na ako sa mga tangang yun.’ At maiisip mong, hindi naman pala katangahan yun.
Siguro naman lahat ng tao merong kanya kanyang katangahan pag usapang puso. Merong nakakatawa. Merong nakakasuka. Merong parang gago. Merong cute. Merong ayaw mo nang pakinggan o balikan. Bakit nga ba hindi makapagisip ng maayos ang tao pag rumaragasa ang kulay reglang 4 letter word na yan? Aminin mo, to some degree, merong kang nagawang katangahan o mukhang tanga. Dahil sa pag-ibig. At para sakin, wala tayong karapatan mangkutya ng kahit sino dahil sa mga desisyon na palibhasa salungat sa paniniwala mo na ay tatawagin mo nang 'mali'
Shet. Pag-ibig daw. Nakakatawa rin naman kasi isipin, na people really do crazy things out of it. Ang facebook ay nabuo dahil sa pagkabasted kay Zuckerberg. Tinawid ni Richard Gutierrez and Ondoy Flood para lang maligtas si Cristine Reyes (teka, magsyota ba sila nun?), si Ogie Diaz ay may asawa’t anak kahit bakla parin siya – bakit nga ba? Bakit nawawala tayo sa tamang ulirat at tamang dahilan kung nalasing na tayo ng Endorphines ng Love? Bakit tayo pumapayag masaktan? Bakit tayo naghihintay? Bakit bumebenta ang flowers sa Dangwa? Bakit naging box office ang My Amnesia Girl? Bakit tayo natutulog ng nakangiti pag alam nating natutulog din ng nakangiti yung mahal mo dahil sayo? Bakit merong abot langit ang ngiti dahil lang tinext siya ng ‘oo’ ng nililigawan nya? Bakit ganto ang PU********G PAGIBIG?
Syempre hindi ko yan masasagot. Dahil tanungin mo ang isandaang tao kung bakit ganito ay isang daang magkakaibang sagot lang ang makukuha mo. Iba ang isasagot ng Doktor, iba ang isasagot ng pokpok, ng manikurista, ng pilosopo at iba ang isasagot ni Kris Aquino. Dahil wala talagang maayos na sagot kung bakit nagpapakatanga, nagpapakabaliw, nagpapakasasa, at nagpapakalasing ang mga tao dahil sa mga bagay na may kinalaman sa puso. At kung meron man, hindi makukuntento ang mga tao sa sagot na yon. Sabi ko nga sa dati kong blog, ‘Love has reasons that even reason can’t explain’
Siguro ang pinakamagandang gawin nalang ay magkaroon tayo ng mga kaibigang nasa labas para makita ang mga hindi natin nakikita, na sasalo sa atin kung sakaling ma out of balance ka sa kabaliwan mo. Na ienjoy ang mabuting pakiramdam na tinatawag ng mga kabataan na ‘kilig kilig’ o ‘chuvachuchu’ at gamitin ito para sa ikabubuti mo (tulad ng mainspire sa pag-aaral, pagiging mabuting mamamayan ng bansa, pagbabawas ng sungit, matutong magipon ng pera, maging mabuting tao) At kung sa tingin mo’y masakit na, tanungin mo sa sarili mo kung tama pa bang ipaglaban o dapat nang ipahinga. Kung dapat bang ituloy pa ang pantasya o magising ka na.
Pero sigurado akong pag nabihag ang puso nyo. Yung tipong baliw baliw baliiiw inlove -
– hindi nyo rin susundin ang payo ng kahit sino. :p
True. Love it, Karl. :)
ReplyDeletesalamat sharon! :D
ReplyDelete