Wednesday, 26 November 2008

Sunday, 23 November 2008

the Real Christmas Wishlist

instead of playing RA 3, ill make this one instead. i'll try not to be funny this time, i hope mapigilan ko. ill try to be very objective as possible. if i get into details baka magpatawa nanaman ako, pero dapat seryoso ako. diba?

1. A Great Upcoming DWTL 70



2. Kick-ass irreg Party


3. Xmas Party with 4bio1


4. Inuman with Subsec. with the Beer Bong


5. Attend Simbang Gabi sa UST. Kahit isa lang.


6. Party ulit ng Misa Family sa Bahay


7. Eat Pizza ng walang okasyon

8. Great Grades


9. Free Education for Children

10. Watch a Fireworks Show

11. Krispy Kreme for Xmas

12. Her hapiness. (and this is good cause i can finally say it)

13. Read Twighlight

14. A High School Reunion (wisdom and semi creme and havoc peeps)

15. Great Health for my Family

16. Wag nang lapitan ng pangit na guys/animals/manyaks si Pae

17. Get rid of my disturbing panaginips

18. Have the money (and motivation) to pay for a Gym membership
(4 years ago)
19. More Paying Patients for my Dad
20. and  aPromotion for my Mum

21. Wag na sanang magnakaw ng mga gamit namin si Manang.

22. Additional Dentists for UST Health Service. 1 Dentist for the whole university? Cmon

23. makapag-isaw sa UP

24. Magsawsaw ng kamay sa Holy Water nung sa Church sa Ateneo. Ang ganda kasi ng church na yung at yung lalagyan ng Holy Water, the Best! Tas magppray ako kung may time.

25. Stargazing with Alcohol while lying at the sands of Zambales beach

26. A good NMAT score for my friends taking NMAT on the 14th

27. Lower Gas Prices

28. Lower Jeepney Fares


29. Forgive myself for all the screw-ups I made this year


30. And finally, an Everflowing Supply of Money. Bwahahaha.

Tuesday, 18 November 2008

14 Christmas Wishes Version 1

ito yung materialistic wish list ko. Pero hindi ibig sabihin ay joke to At Pero di rin ibig sabihin na ayaw ko rin matanggap tong mga to. Haha. Kung magkatotoo to, why not diba?

1. Wag na tayong maglokohan: gusto ko ng maraming maraming pera, yung tipong helicopter na ang maghahatid sakin sa school para di na ako malate tapos may red carpet sa field para magpark ang helicopter ko.

yung tipong sa lahat ng lugar na pupuntahan ko, may confetti ng Pesos. Dollars, at Euro. ayoko ng Yen kasi konti lang halaga nun.Basta pera. walang hanggang kayamanan.

Well, unfair naman. Kasi pag nagrant na yung first wish ko, ok na ako sa mga makamundong pagnanasa ko. Pero pag nakuha ko na ang #1 ko, eto ang mga bibilhihin ko.

2. Gusto ko ng Malaking malaking TV yung halos lumabas na yung artista sa TV sa sobrang laki niya. ilalagay to sa kwarto ko, para quality porn este movies ang pinapanood ko kesa sa sala ako nanonood, nakakatakot pa kasi madilim at freaky yung hagdanan.

3. Bibili ako ng grades. Oo, tama ang nabasa niyo. Wish kong maging ganon ako kayaman na tipong binabayaran ko na ang mga prof para di na ako makapagremedials. O kaya babayaran ko si Nelloe o si Keith o si MJ o si Bryan Ilagan para magpretend na sila si Karl Edejer tapos ako sila para lang magexam para sa akin. Tapos pag mababa ang nagawa kong exams para sa kanila bilang sila, babayaran ko uli sila para di sila magalit.

4. Papaluhurin ko sa putikan ang mga taong nanggugulang at nangungupal sa Pamilya namin. Mari-mar style. May pera sa putikan, tapos ipapakuha ko gamit ang kanilang mga bibig, at sabay sasabihin ko, "Luhod mga dukha!" sabay inom ng isang mamahaling alak habang minamasahe ng mga hot chicks

5. Bibili ako ng bahay. Yung simple lang sa labas, pero pagpasok sa loob magugulat ka nalang kasi mas malaki pa pala siya sa Hogwarts at mas magical pa. May theme song ng HarryPotter na tutugtog pag pasok para feeling mo napakamagical ng bahay ko, tapos meron akong servants na house elves na sasalubong sayo. May fountain sa gitna at waterfalls, wala kong pakelam kung pano nila gagawin, May library. May starbucks, May Jolibee. May Pizza Hut. May Basketball Court, Boxing court, Tennis Court kahit di ako marunong mag tennis, at may trampoline.

6. ipapaabolish ko ang Department of ________  ________. Pero bibigyan ko naman sila ng retirement plan -- sila ang magiging tauhan ng Golf Course ko. Bagay na bagay. Tapos ang gagawin kong chief of staff nila ay yung Secretery nila ngayon para makapaghiganti na siya sa kanilang lahat. "Pringles, go, run, and get the golf ball underwater. After that ipagtimpla moko ng kape!"

7. Manonood ako ng concerts ng kung sino mang foreign singer or sino man. Kilala ko man o hindi. Dashboard Confessionals o Bocceli man. Dun ako sa pinakaharap at karubbing elbows ko yung mga kapwa kong sikat at mayaman at yung mga kaibigan nilang nakikinabang sa free tickets nila.

8. Trip around the world with my Family and Manang. Pero haggang Airport lang daw si Manang kasi di naman daw niya maaapreciate yung Europe at Brazil at Japan. Ano bang pakialam daw niya sa Stonehenge at Eiffel Tower diba? Maaapreciate daw ba niya ang Louvre e di naman daw siya nakakabasa? Anyways, 2 months kaming iikot sa mundo. matutuwa na ang mga Med Reps ni Daddy niyan kasi ako na ang gagastos ng gastos namin pag mag-oout of town at hindi na sila. Pupunta kami sa Amsterdam at bibili ako ng isang magandang babae na ididisplay ko lang sa aming sala. "Karl went to Amsterdam and all he brought back is me"

Pupunta kaming Antarctica at manonood ang Aurora Borealis katabi ang mga penguins na sumasayaw at kumakanta. Mala Happy Feet at Good Luck chuck combined.

9. Magpapagawa ako ng mega highway na ako at mga friends ko lang ang pwedeng dumaan. Well, pwedeng dumaan yung iba pero magbabayad sila.  Mula dito sa Frisco hanggang sa Beachouse namin sa Zambales. Walang speed limit sa Highway na yun at maraming food stops along the way. Glow in the dark ang pintura. At walang pokpok na nagaabang sa kalsada tuwing madaling araw. Pwede nang pumunta sa Beachouse ang friends ko every week dahil magiging mabilis nang maglakbay papunta dito.

10. Gagawa ako ng underground secret passage mula bahay hanggang UST. Pero kailangan ayusin muna ng UST and baha situation nila kasi magmumumkhang kanal lang yung underground passage ko kung nagkataon. Yuck.

11. Malupet na laptop sa bawat miyembro sa apat kong apelyido: Edejer, Misa, Hebron, at Ebilane Family. Dapat lahat meron, kahit yung mga matatanda na... kahit di nila alam gamitin... at pati mga babies dapat meron. Wi-fi ready. yung pwedeng mag Red Alert 3, Starcraft 2, DoTA, at Sally's Spa Pero nakakatawa lang yun pag reunion dahil para na kaming nasa computer shop niyan dahil lahat nga nakalaptop. Dapat may warranty pala. Magmumukhang repair station ang bahay ko nyan dahil sakin sila pupunta pag nasira. wag sa akin. dun sa warranty station. Anong alam ko diyan.

12. Ipapakulong ko yung Houseboy namin nung bata pa ako. Edgar Egnisaban ang pangalan niya. Nung bata kasi ako, pinapalo niya ako. Houseboy lang siya at pinapalo niya ako? Ang kapal ng mukha niya. E ako namang si tanga, akala ko tama lang yun kasi pinapalo naman ako ng magulang ko kaya normal lang din paluin ako ng katulong namin. Akala ko alam ng magulang ko na ginagawa niya yun samin, akala ko binigyan siya ng kapangyarihan ng magulang ko na paluin at sigawan kami. Narealize ko lang na child abuse pala yung ginawa niya nung bandang college na ako. Ipapakulong ko siya, at gugulpihin siya ng mga brods sa kulungan.

13. Babaguhin ko ang UST Med. Ipapaabolish ko and Revalida, bababaan ko ang tuition, pwede nang isummer classes and mga semestral subjects na binabagsak, wala na ang 15-unit rule para sa mga irregs, at dapat Patho lang and di pwede kunin ng mga bumagsak ng Physio, Surgery lang dapat ang di pwede para sa Anatomy, Microbio sa Biochem, at Neuro 2 para sa mga Neuro 1 ang binagsak. Yun lang. Lahat makakapag Pharma, at yung Pharma dapat 60% ng grade ay Practical Exams na sing dali ng NeuroAna prax. Ipaparenovate ko pala ang mga aircon at Neuroanatomy at Histology lab. Ipapaexpand ko ang campus. At maraming kainan. At di dapat mabaho ang canteen. Benches sa bawat corridor. Samplex section sa Library.

<edit> ang #13 ang pinakamatagal kong inisip na wish. mahaba dapat ito pero baka magspark nanaman ng kung ano anong feelings sa ibang tao. harhar. </edit>

14. Babayaran ko ang mga utang ng Pilipinas. pero dapat yung 10 Billion manggagaling kay Gloria Arroyo.1 Billion sa bawat senador, 100 Million ang babayaran ng bawat Congressman except lang sa mga kamag-anak namin sa congress, exempted sila. 10 Million sa mga Mayor at 10 Million from Manny Pacquiao. Kung magagawa nila yun, sige abonohan ko na yung iba. Malaki pa ang natira, pero as if namang magbabayad ang mga politicians na ganun diba?



sarap mangarap. pero kung mangyari nga ito, sino ba ako para tumanggi? hehe

wow. had fun doing this.

Friday, 7 November 2008

Bob Ong Quotes: Totoo ba?

nabasa ko naman na lahat ng books ni Bob Ong, pero di ko masyado maalala ang mga quotes na umiikot sa text. Siguro nung una naaalala ko pa na nakasulat yung mga yun, pero yung iba, parang totally di ko talaga maalala? i mean, nung narereceive ko sa text yung mga quotes, "ayus to ah, and ganda", pero, kung ganun kaganda yun, bat di ko maalala nung binabasa ko to? haha

hindi kaya nagtetext si Bob Ong sa friends nya tapos sa huli, "please pass?"

or inassume lang siguro ng mga tao na porke may humor, tagalog, at mejo malalim, at astig, Bob Ong na?

or merong isang Pseudo-Bob Ong na gumagawa ng quotes tas sabi nya from Bob Ong?

actually, tinry ko dati yun, gumawa ng quote...

eto sinabi ko:

"Ang daming quotes na umiikot na galing sakin, di naman talaga galing sakin"

-Bob Ong


di ata umikot yun. haha.

Wednesday, 5 November 2008

palakpak, mga mortal!

nung highschool, after a lecture, nagriring ang bell, aalis na ang prof.
nung undergrad tayo, after a lecture, after the "Thank You" slide, umaalis na yung prof.

pero ngayon sa Med, after every lectures, nagpapalakpakan mga tao? wala lang, nakakatuwa lang.

nung mga unang araw sa Medisina, sinabi ko, "bat tayo pumapalakpak?", tapos di ko na napapansin, parang automatic na sa med yun na after a lecture, palakpakan ang mga tao. di ko napapapansin, pero pati ako napapapalakpak na rin. siguro factor na marami kayo sa classroom kaya madaling magpeer-pressure dahil pumapalakpak ang ibang tao, at siguro dahil nakakaelibs naman talaga yung lecture (di ko malilimutan ang Lecture ni Dr Rosales sa Spinal Cord, kewl), siguro dahil ibang level na rin ng knowledge yung shineshare nila sa atin, or siguro, syempre, respect sa kanila na hindi lang MD ang kakabit ng mga pangalan kundi, ID, TCVS, GS, FPSP, FPSA, FPSS, Fwhatever, F-WTF?!, F-I-AM-A-GOD, F-I-AM-IMMORTAL, etc etc etc

it made me wonder, ano kaya iniisip ng mga naglecture after their show?

if i will be a lecturer someday kung Super Surgeon na ako, probably ito ang iisipin ko sa mga Med Students after my lecture...

(read the title)

kidding. haha. :)

Gay lingo

dadicated to someone special. bwahahaha. lifted from Krish's blog. nakakatawa. andami na pala nilang salita no? haha

 Common words

1. gay  - badingkiwinki, baklush, badinggirsi, belatchina, lolames, ladladera
2. to get  - getzing, getluckin, gora, grabichina.
3. cigarette - bugaret, suba, subarou, bugarou
4. handsome  - cucoo, bio, viola, pogichina, beeway, biyao
5. house - balay, houseching
6. to lose  - loss, Luz Valdez, Luz Clarita
7. none - wiz, witchelles, nada, zerowena
8. cheap - changa, chipagis, chepay
9. rich - rica paralejo, ritcheles, rika
10. to see - aura-aura
11. BJ - hada, chiva, chupsi, kopa, kopas, hadaluchi
12. brief - brifany

These words are very flexible. They could easily be switched from one form to another.

"Bago tayo umuwi bu-booking muna ko." - verb "May booking ka na?" -

noun EXPRESSIONS
1. "Bona!" - Tanga! (Kasi it's not Promil.)
2. "Carry.", "Keri." - Pwede na.
3. "Chever!" - (___Expression ni John Lapus pag natutuwa siya.)
4. "Chos!", "Charot!", "Charing!", "Charito Solis!"- Just kidding.
5. "Cynthia?" - Sino siya?
6. "Gravity!" "Rawr-rawr!", "Rowrr-rowrr!" - Grabe!
7. "Hello Waffer!", "Halloween!" - (greetings of) Hello !
8. "Imbay!" / "Imbyerna!" - Kainis!
9. "In Fairview…" - In fairness…
10. "Juice ko!" - My God!
11. "Kape!" - (Mag-kape ka/siya/sila nang magising sa
12. (katotohanan.)
13. "Kebs!", "Kiber!" - Wala akong pakialam!, Deadma!
14. "Ligwak." - Lagot ka.
15. "Majonga!" - Bonga!
16. "Malaybalay, Bukidnon!" - Malay ko!
17. "Malaysia at Pakistan!" - Malay ko at paki ko!
18. "Malaysia India Japan." - Malay ko.
19. "Mars…" - "Mare..." , "Sistah…"
20. "Miss Malaysia!" - Malay ko.
21. "Namaste!" - Naman!
22. "Plangak!", "Korak!", "Flangganah!", "Kaplang!" - Correct!, Exactly!
23. "Psychological!", "Psycholo!" - Kaloka!
24. "Sushmita Sen." - Susmaryosep.
25. "Taruz!", "Kabog!" - Taray!
26. "Touchtone Picture." - Hawakan mo.
27. "Urky!" - "Kaloka!" (Sosyal version)
28. "Wa na splok." - Wag ka na lang maingay.
29. "Wa-i na!" - Wag na!
30. "Watashi…" - Si ano…
31. "Wes datis." - Walang pera.
32. "Wes konowang." - Hindi ko alam.
33. "Wes piyok." - Quiet lang.
34. "Wes taoshious." - Walang tao.
35. "Wit ko bet." - `Di ko type.
36. "Wit!", "Wa-i!" - Ayoko
37. "Wit!", "Wiz!" - Hindi!


TERMS OF ENDEARMENT
38. "Girl!", "Lolah!", "Ateh!", "Mamah!", "Titah!",
39. "Sister!", "Mother!", "Bakla!" PROPER NOUNS
40. Ace Sanchez - a top
41. Aglipay - ugly Pinay ( jowang pokpok na chakang mayaman na foreigner )
42. Ana, Anaconda - ahas, traidor
43. Anita Linda, Aida - A.I.D.S.
44. Ate Vangie - gamot pampatulog (Ativan Gang)
45. Ate Vi - atrebida
46. Backstreet Boys - cute guys sa likuran mo
47. Bayombong, Nueva Viscaya - masturbate
48. Bebang, Mayta - maid
49. Blusang Itim - mga bakla na gumanda nang maayusan sa parlor
50. Cathy Santillan, Kate Gomez, Cathy Mora, Cathy Dennis - makati, malibog
51. Chabelita - chubby
52. Chanda Romero - tummy (ang laki ng Chanda Romero nung pulis) / an old woman
53. Chiquito - maliit
54. Churchill - sosyal
55. Crayola Khomeni - iyak
56. Dakota Harrison Plaza - malaki ang chever
57. Debbie Gibson - give
58. Duty Free - maliit ang nota
59. Ella Mae (Saeson), Ella Fitzgerald, Ella Luansing - state of feeling horny
60. Eva Kalaw - evak
61. Felix Bakat - bakat ang cheverlou (sa brief or pants)
62. Girlie Rodis - babae
63. Givenchy - give, pahingi
64. Halls - choopapchoopsie
65. Indiana Jones - hindi sumipot
66. Janjalani, Pocahontas - bakla na palaging late o indyanera
67. Jennilyn (Mercado) - cheap, chaka
68. Joana Paras - asawa
69. Julanis Morisette, Reyna Elena - umuulan
70. Julie Andrews - mahuli
71. Kelvinator, Kelvina - babaeng mataba, sinlaki ng refrigirator
72. Leticia Ramos Shahani - shabu
73. Lilet - bading na bagets
74. Lucita Soriano - loss na, sorry pa
75. Lucrecia Kasilag - baliw
76. Luz Clarita, Luz Clarita, Luz Valdez - talo, loss
77. ang beauty
78. Maharlika, Mahalia Jackson - mahal
79. Manilyn Reynes - ma-EL
80. Miss Nigeria - negra
81. Murriah Carey, Morayta - mura
82. Nora Daza - magluto
83. Oprah Winfrey, O.P.M. - oh, promise me, pangako,
84. utang
85. Phil Collins - Philcoa
86. Purita Kalaw Ledesma, Purita Kashiwara, Pureta
87. Malaviga - poor, dukha
88. Rica Paralejo, Nina Ricci - mayaman
89. Rita Gomez - naiirita
90. Ruffa - laklak
91. Siete Pecados - tsismosa
92. Thunder Cats - gurang
93. Tom Jones, Tommy Lee Jones - gutom
94. Uranus - puwet
95. Washington D.C. - wala
96. X-Men - mga dating lalaki
97. Yayo Aguila - dyahe
98. Zsa Zsa Padilla - o siya, sige!


ADJECTIVES & ADVERBS
99. 48 years - sobrang tagal 1
00. antibiotic - antipatika
101. balaj, valaj - balahura
102. bella - boba
103. bigalou - big
104. biway, chopopo, guash - gwapo
105. bongga, bonggakea - super to the max
106. borta - malaki katawan
107. boyband - lalaking sintaba ng baboy
108. buya - nakakahiya
109. chaka, chuckie, shonget, ma-kyonget, chapter, jupang-pang - ugly
110. cheapangga, chipipay - cheap, ka-cheapan
111. chipipay - cheap
112. chopopo - gwapo
113. conalei - baklush
114. daki - dako
115. dites - dito
116. doonek - doon
117. effem - halatang bakla
118. emena gushung - malanding semenarista
119. fayatollah kumenis - payat
120. ganda lang - for free
121. ganders - maganda
122. intonses - sira, wasak
123. jongoloids - bobo
124. jowa, jowabelles, jowabella - karelasyon, boyfriend girlfriend
125. jutay, juts - maliit
126. kabog, loss - talo
127. katagalugan - matagal
128. katol - mukhang katulong
129. kirara - pangit / maitim
130. klapeypey-klapeypey - pumalakpak
131. krang-krang - hungry (same as Tom Jones)
132. krung-krung - sira ulo, baliw
133. lulu, tungril, tetetet - lesbian
134. mahogany, mashumers, ugmas - mabaho
135. majubis - mataba / gusgusin
136. matod - magnanakaw
137. nakakalurky - nakaka-shock, nakaka-takot
138. neuro - napaisip bigla, mind-boggler
139. oblation - walang saplot
140. otoko - lalakeng lalaki
141. pamin, paminta, pamentos, pamenthol - discreet gay guy
142. pinkalou - pink
143. pranella - praning
144. quality control - maganda ang quality
145. sangkatuts - marami, isang katutak
146. shala - sosyal
147. shogal - matagal
148. shokot, bokot - takot
149. shonga, shongaers, planggana - tanga
150. shonga-shonga - tanga-tanga
151. shonget, makyonget - ugly
152. shontis - buntis
153. sudems - never
154. tamalis - tamad
155. urky - nakakaloka
156. warla - loka-loka, nawawala sa sarili, nababaliw
157. wasok - contraction ng "wasak pag pasok"
158. wiz, waz - wala
159. wrangler, thunder(s), tanders, majonders - matanda


NOUNS, PRONOUNS AND PREPOSITIONS
160. adez, andabelz, adesa, anda, ka-andahan, andalucia -pera
161. akesh, akembang - ako
162. badet, dinga, dingalou - bading
163. berru - beer
164. borlog - tulog, power nap
165. bottomesa, bottones - a bottom
166. bufra - boyfriend
167. carrou, carosa - car
168. cheese - chismis
169. chimi, chimini, chimi-aa, chimini-aa - maid
170. constru - construction worker
171. daot - ahas, traitor
172. ditey, ditich, ditraks - dito
173. feelanga - crush
174. fiampey - singit, etits, flower
175. garapata - vaklush na punggok na majubis
176. gardini - security guard
177. oishi - shabu
178. gulay, pechay, bilatch, tahong - babae
179. hada - oral gay sex
180. hammer - pakonyo effect sa mga prosti or callboy,
181. havana - mahabang mukha
182. hipon - maganda ang katawan pero panget
183. itich, itechlavu - ito
184. itich-me-how -
185. jipamy - jeep
186. jowa, jowawis - lover, boy/girlfriend
187. jubelita - vaklita, batang bading
188. kat-kat - sosyal na tawag sa katulong
189. katol, chimay - katulong
190. kyota - bata
191. kyotatalet - sanggol
192. likil, mentos, future - lalaki
193. merlat, melat, bilat, mujer - babae

195. pa-uring - a bottom
196. performance artist - mahilig mag-inarte
197. potato queen - chink for chinks
198. red alert - menstruation
199. rice queen - chink folks who go for white guys (?)
200. colbam, sholbam - callboy