Friday, 7 November 2008

Bob Ong Quotes: Totoo ba?

nabasa ko naman na lahat ng books ni Bob Ong, pero di ko masyado maalala ang mga quotes na umiikot sa text. Siguro nung una naaalala ko pa na nakasulat yung mga yun, pero yung iba, parang totally di ko talaga maalala? i mean, nung narereceive ko sa text yung mga quotes, "ayus to ah, and ganda", pero, kung ganun kaganda yun, bat di ko maalala nung binabasa ko to? haha

hindi kaya nagtetext si Bob Ong sa friends nya tapos sa huli, "please pass?"

or inassume lang siguro ng mga tao na porke may humor, tagalog, at mejo malalim, at astig, Bob Ong na?

or merong isang Pseudo-Bob Ong na gumagawa ng quotes tas sabi nya from Bob Ong?

actually, tinry ko dati yun, gumawa ng quote...

eto sinabi ko:

"Ang daming quotes na umiikot na galing sakin, di naman talaga galing sakin"

-Bob Ong


di ata umikot yun. haha.

38 comments:

  1. yan din naisip ko pag nakakatanggap ako ng texts na may bob ong sa dulo. tinangka ko pa ngang basahin ulet ung mga libro niya para maverify. eheheh. pero tinamad din ako. dahil hindi ko talaga maalala kung siya nga ba talaga ang nagsulat nun. ehehe.

    ReplyDelete
  2. "Hindi na siguro quote ang tawag sa mga quote ngayon... Bob Ongs na" -Burke Ong

    ReplyDelete
  3. hahaha... napag-usapan namin ng friend ko to dati! lol pero sooo true...wala naman sa books nya un mga un e. hmmm dapat magsalita na si bob ong! joke

    ReplyDelete
  4. oo nga. pero sabi ni bob ong na di sya mag cecellphone kaya hindi siguro siya ung nagfoforward ng quotes..hehe

    ReplyDelete
  5. "Tito ko sya actually" - Ivan Ong

    ReplyDelete
  6. tito mo?! pango pala c bob ong anu?! hehe

    ReplyDelete
  7. eto exactly ung pinaguusapan namin ni pae kanina!!! nde ko kase alam kung saang libro galing ung mga un eh nakakatatlong bob ong na ko..

    ReplyDelete
  8. at tinangka mo talaga noh? haha. he's a good writer naman, i just wonder if all those quotes are really from him :p

    ReplyDelete
  9. may Ong ka rin? hmm, di kaya maraming bob ong? haha. common naman din kasi ang Ong at Bob eh diba? hehe

    ReplyDelete
  10. oo, kailangan nyang magrelease ng statement. hahaha :D

    ReplyDelete
  11. ikaw ba yung friend nyang yun? :p

    ReplyDelete
  12. sinabi niya rin sakin ni bob ong ya, thru text. joke. hehe :D

    ReplyDelete
  13. oo, at Tito mo rin si Ping Lacson dahil paerho kayong Lacson?,

    at kamaganak mo si Josue dahil pareho kayong Ivan? hahaha!

    ReplyDelete
  14. hmm, makes me wonder, ano nga kaya itsure nya? ang alam ko in one of his books, mei pic/drawing xa nung sarili nya nun eh... kinda forgot...

    ReplyDelete
  15. hahaha. oo, mukhang di tlga galing sakanya lahat. but i commend the person for doing that. :)

    ReplyDelete
  16. haha. nareceive ko nga yan. =p

    ReplyDelete
  17. nope... hindi si kev un... hehe...

    @kev whatever...

    ReplyDelete
  18. yung sa book quotes lifted then isesend sa texts :D

    ReplyDelete
  19. "inassume lang siguro ng mga tao na porke may humor, tagalog, at mejo malalim, at astig, Bob Ong na?"

    --true...hehe.. nabasa ko na lahat ng books niya, parang wla namang mga ganun. =)

    ReplyDelete
  20. oh yes Yorie. ang weird noh? kung binabasa mo tlga si Bob Ong, magtataka ka sa mga quotes niya tlga. hehe

    ReplyDelete
  21. weird weird... actually, nagtry din ako balikan mga books nia to really see kung andun mga quotes... eh wala naman.. =( kuya karl, fan ka ba ni bob ong? i mean, nabasa mo ba lahat ng books nia? haha. =)

    ReplyDelete
  22. well. yeah, pero isang basa lang. last book nya yung McArthur di ko natapos, napangitan ako. hehe

    ReplyDelete
  23. huh? pangit ba? hahaha...kunsabagay.. nag iba na kasi siya bigla ng theme doon...

    --> hapi nu yir!

    ReplyDelete
  24. ala bang libro c bob ong na mejo tungkol sa love? kec my mga kmakalat na bob ong quotes about love eh..

    ReplyDelete
  25. yun nga eh... wala din naman, pero andaming kumakalat ng bob ong lovequotes. weird. are you naje? as in stc naje?

    ReplyDelete
  26. mei buk b c bob ong na tungkol sa love my mga umiikot kecng quotes about love na by bob ong dw?

    ReplyDelete
  27. anong stc?
    aixt kala q meon libro na pang love c bob ong eh. tnx!

    ReplyDelete
  28. oh, i thought you were the naje i know.-

    ReplyDelete
  29. yeah, nabasa ko na ren lahat ng books ni pareng bob, ilang beses ko na ring nireview para hanapin yung mga kumakalat ng qoutes, pero wala.

    ReplyDelete
  30. tagal na ng blog na to ah. ahehe :) thanks. yup, weird no, sino kya nagimbento ng mga quotes na yung ngayon, hehe

    ReplyDelete