siguro kung ang karl na 4 years ago ay makakausap at makikita ang ako na ngayon na pinagaaralan ang mga ganito kakumplikadong mga aralin, at nakikita niya ako na kabisado ko na ang structures ng 20 basic proteins, at nagsasalita ng kung anu anong mga terminolohiyang pang scientist, tapos makikita niya ang mga subjects ko ngayon na tinatake at ang mga libro kong makapal na hindi ko naman inaaral...
makikita niya ako at sasabihin, "shet, karl, ang talino mo"
pero isasagot ko, "karl, hindi pa sapat yan para maging doktor. kurot palang to"
"oo alam ko... uhm, nagsisisi ka ba ito ang pinili mo? gusto mo piliin ko nalang ang nursing?"
"huwag."
"bakit?"
"basta."
"kupal ka pa rin pala hanggang ngayon"
"hahaha"
"bakit nga? in fairness, so far, kaya ko pala ang bio ah... hahaha"
"kaya mo naman lahat eh"
"ulul. alam kong olats si karl magdrawing, kumanta, at sumayaw, at..."
"you cant have everything... hahaha"
"o, pano ba yan? sasagutan ko na ang application form ko para sa UP, DLSU, ADMU at UST"
"bio pa rin ilagay mo ah? ayokong maiba eh"
"...parang naiisip ko gusto kong mag medtech nalang"
"wag kang mag med tech... basta, masaya ang bio. oo, mahirap, pero, masaya, i tell you... You'll get to look at life at a grander scale. ngapala, wag ka na mag apply sa Ateneo, pangit dun"
"hahaha... ganon? sa bagay, gusto ko yung malapit lang sa bahay eh... o karl, may gusto ka bang ibahin ko para mas guminhawa ang buhay mo ngayon?"
"uhm..."
"wala ka bang mga pagkakamali o pagsisisi?"
"meron. madami akong pagkakamali, actually. pero hindi regrets."
"regrets at pagkakamali. parang pareho lang diba?"
"magkaiba yun... malaking pagkakaiba."
"o, sabihin mo nalang kung kelan mangyayari yung mga pangyayari mo para maiwasan ko na"
"huwag dude. hindi ko sasabihin. magiging corny na ang buhay mo pag alam mo na ang mangyayari. walang suspense. oo, marami akong pagkakamali, pero dahil dun sa mga pagkakamaling yun, nabuo ang karl na kaharap mo ngayon. you have no idea kung anu anong mga pinagdaanan ko mula jan sa kinatatayuan mo na 4th year student sa lourdes hangggang sa ngayon na 4th year student sa bio ng ust. nandiyan ang mga moments na nasaktan, nasugatan, nahirapan, naguluhan, at nadapa ako... pero hinding hindi ko ipagpapalit ang mga yun sa mga ginhawang hindi ko man lang pinaghirapan. mas masarap kung pagbubuhusan ko muna ito ng pagod at hirap... dun ko mas malalasap ang sarap ng kaginhawaaan. ok lang na magkamali ka, ok lang na madapa ka, basta bumangon ka lang. ipagpag mo sandali ang mga alikabok, itaas mo ang mukha mo, ngumiti ka at lumaban ka uli. ang mga pagkakamaling yun ay magpapalakas para sa iyo"
"shet karl, ang weird ko pala pag laki ko"
"sus.weirdo ka naman talaga eh"
"haha. hay. ayokong tumanda, papangit lang ako, mas gwapo ako ngaun eh... hahaha"
"olats naman mga diskarte mo, tapos wala ka pang cellphone. yuck loser!"
"hahaha... fine, fine. haay, owel, well, i'm glad you're doing fine there"
"im glad to see you again"
"i have to go now, take care, karl"
"you too, karl"
"it feels weird talking to youself"
"wag mokong lokohin, lagi mo naman kausap sarili mo eh"
"haha, feeling ko rin naman kahit sa mga susunod na taon ganyan pa rin ako eh"
"hahaha. oo dude. sige na, mag aaral nako"
"basketball muna ako"
"sarap maging bata uli. namiss ko nang magbasketball, shet. haha. wag kang magpapasupal kay Ryan ah?"
"si Ryan? wala yun"
"haha.. oo, mas magaling ka dun"
"mayabang ka pa rin, karl"
"nabawasan na tong lagay na to"
"haha"
"seize the day dude, live life to the fullest, ngapala, magdala ka ng camera sa intrams games... you're gonna need it ;)"
**********
kung sa tingin niyo ay napakaweird nitong blog na to... oo weird talaga. :)
When i was 4th year highschool, i was always thinking, "ano na kaya ang nangyari sakin, 4 years from now?"
ito na pala yun.
"seize the day, suck the marrow of life"
*attached:
1: i wrote that one on the board. the last day of highschool
2. karl before. mukhang gago pic.
3. karl today. with the sunset
No comments:
Post a Comment