Wednesday, 24 June 2009

Request kay God

Lord, kung gugunawin mo na ang mundo, pwedeng One Time Big Time nalang? yung walang maeexempt at walang masasaktan at mabilisan ang lahat?

kasi nakakatakot pag may swine flu, at earthquake, at ulan ng hiyelo, at giyera, at buhawi sa pilipinas, at pharma pa. unti unti ang kamatayan. may takot effect pa kasi. at gagastos pa ang DOH, Government, WHO, at UN pag may calamities.

Lord, kung gugunawin mo man ang mundo, pwedeng isang bagsakan nalang? para walang pagluluksaan at walang magluluksa?

tsake Lord, pwede bang surprise? yung tipong di matatakot ang human race dahil wala na kaming panahong matakot, by the time na narealize naming dapat natakot kami...sumalangit na kaming lahat? At pwede bang tulog kaming lahat pag nangyari man yun? Para pag-gising namin, yung akala naming aircon ay sa clouds na pala ng pinapangakong langit. At andun ka na. At bibigyan mo na kami ng malaking hug.

Seryoso. Natatakot ako kay Mother Nature. At Sa Korea. At sa Pharma. 

Or better yet, Panginoon, pwedeng wag mo muna nalang gunawin ang mundo?

Gusto ko pa kasing mag-asawa. Ayokong mamatay ng walang kaholding hands na hot chick. Pero bago yun, gusto ko munang maging doktor. At bago mag-asawa, matagal ang selection process, diba? At pagkatapos nung mga yun, gagawa ako ng maraming anak. yung magagaling at matatalino. Pero pano yun? gugunawin mo na ang mundo pagkatapos nun? Pano na ang apo ko? Pano na ang apo ng anak ko? Wag nalang kasi mag end of the world. Sabi nga sa bible, mag e-end of the world daw pag babalik na si Jesus dito... uhmm.. pwedeng huwag mo munang pababain si Jesus dito? May picture naman siya sa lahat ng simbahan eh. Merong smiling Jesus pa nga. May movie pa nga siya dito eh. Can you tell him to enjoy langit muna?

Lord, huwag mo nalang gunawin ang mundo please.

Pwede bang sa Malacanang nalang ang Lindol? at sa Congress nalang ang swine flu? at pwede bang kung mag-ge-gera man ang US at Korea, sila sila nalang. Magkita nalang sila sa isang place na walang tao bukod sa kanila tulad ng antartica (syempre, paaalisin muna ang mga penguins), tapos magbarilan nalang sila dun. magbombahan sila hanggang gusto nila? Pwede bang sa Antartica nalang ang pag-ulan ng ice? Mas bagay dun diba? At pwede po bang ang buhawi ay sa Mars nalang? or sa Jupiter?

huwag muna kasi... ipapasa ko pa ang Pharma. May dapat pa akong patunayan.

At, Lord, madami pa akong kailangan patunayan.

Sa pamilya ko. sa friends ko. sa mundo. at sa Iyo.

Malay mo, pag napatunayan namin na ang human race, willing magbago. Na pwede naming gawing better place ang planetang to. Na may puso rin pala ang bawat isa sa amin...kahit si Gloria Arroyo, kahit papano, merong puso yan (although, Lord, alam kong nagdududa ka minsan kung ginawan mo talaga siya ng Puso)... Malay mo mapatunayan naming pwedeng mag-unite ang Earthlings para masave ang Earth. At dahil dun, malay mo matuwa ka sa mga citizens of the world...










...at kunin kaming lahat ng sabay sabay.


joke lang.

Lord, malakas ako sayo (sana).

Don't make gunaw the world muna.

29 comments:

  1. Magkita nalang sila sa isang place na walang tao bukod sa kanila tulad ng antartica (syempre, paaalisin muna ang mga penguins) >>naliha ako sa kakatawa, amp! wahahaha..

    ReplyDelete
  2. Magkita nalang sila sa isang place na walang tao bukod sa kanila tulad ng antartica (syempre, paaalisin muna ang mga penguins) >>AMP!!! KAINIS NA HIRIT, WAHAHAHHAHAHA

    ReplyDelete
  3. sorry naman. haha. totoo naman diba? wag silang magdamayan!

    ReplyDelete
  4. dami mo naman request.hinde lahat yan mapagbibigyan.haha..

    at hinde pa tayo nagkakairreg party for the year kaya wag muna.haha

    ReplyDelete
  5. yeah. Re-induction of my position! bwahahah I Loooove Power! joke lang. :D hahahaha

    ReplyDelete
  6. waaag muna!! katulad nga ng gusto mo, maga-asawa muna ako ng mayaman na hot na papa!!!
    sabayan na kita magdasal! medyo malakas din naman ako kay Lord! ahehehhe!!
    apiiir!!

    ReplyDelete
  7. yeahbaby! bagyuhin ang langit! :D hahahahahaha

    ReplyDelete
  8. nakakatawa hindi ko alam kung gmagawa ka ng sarili mong reflection about sa buhay o nag cucurse ka na ng mga tao eh :)) hahahaha!!! pero bago nga naman ang lahat, mag asawa muna tayo at gawin natin ang mga pangarap natin.. di pa ko ready noh. dami pa nasa isip ko.. >_<

    nice one ;) goodluck sa pharma mo.. parang scary ata yan ah. kasi pati yan kinucurse mo.. :))

    ReplyDelete
  9. uy im not cursing. haha. im praying mehn. PRAYING. heheehe. pray ka din for our pangaraps! hahaha

    ReplyDelete
  10. di pa gugunaw ang mundo.... pag wala ng gera wala ng sakit wala ng lindol at wala ng swine flu malamang end of the world na!! hahahaha =))

    ReplyDelete
  11. haha nice one..
    nag rerequest ka pa kay Lord..
    malakas din ako sa knya.. pag pray naten :))

    ReplyDelete
  12. wahahahah. magkakarron at magkakaroon nga naman ng problema pagkatapos ng iba. haha

    ReplyDelete
  13. go go go! ;D haha gusto ko pang mag-asawa! haha

    ReplyDelete
  14. ako padin! ako ako ako! hahahahahahaha. kayo, kayo bahala. :D haha as if namang mei aako ng responsibilidad noh. haha

    ReplyDelete
  15. tama kuya karl!! sana wag muna Lord!!! dami pa kami gusto marating!!!

    ReplyDelete
  16. Benta na naman kuya karl!! HAHAHA. Onga sana wag muna gumuho ang kalupaan at kalangitan. Gusto ko din mag-asawa at magka-anak. May pangalan na ako sa kanila eh. Nako naman! At di ko pa nasusubukan ang Pharma ng Med...XD Gusto ko pa magbukas ng tao sa operating room at gusto ko pa yumaman ng matindi...

    At gusto ko pa matuto lumipad....HAHA XD

    Tara sabay sabay tayong magdasal...Malakas narin ako kay God ngayon e. Lolz!

    ReplyDelete
  17. ayanamampala eh! hahaha andami mo ring pangarap! woohooooo! Lord wag muna! :D

    ReplyDelete
  18. madami na tayong nagppray! woohoo

    ReplyDelete
  19. hahaha!!pati ang pharma kasama...ang kulit!!pero nakakatakot nga isipin..

    ReplyDelete
  20. oo naman. pero sa lahat ng bagay na pwede nating ipagdasal na wag nating makaharap... hindi yung pharma,, dahil haharapin at haharapin natin yun :C hay

    ReplyDelete
  21. anlupet mo karl!!!!!

    ibang klase ang kapangyarihan ng mga daliri mo sa pagpipindot ng mga letrang katumbas ng iniisip ng utak mong makulit!!!! haha...

    para sa mga pangarap na hinihintay nating lahat matupad..at sa mga taong hindi pa nakakaisip ng kung anumang pangarap ang gusto nilang matupad, sasabay ako sa panalangin nyo...LORD< WAG MUNA PO SANA MAGUNAW ANG MUNDO!!!!

    JB

    ReplyDelete
  22. "Ayokong mamatay ng walang kaholding hands na hot chick."

    Yown! Haha :)) Nice one Kuya Karl. Amen!

    ReplyDelete
  23. thanks Jhen! :D hangga't anjan kayo't nagcocomment lagi akong gaganahan magblog. peo kailangan ko nga pala mag-aral din. hahahahaha :D

    ReplyDelete
  24. tsktsk ikaw kasi mei kaholding hands eh kaya kampante ka. hahahaha :D

    ReplyDelete
  25. haha. opo. thanks lacson. haha

    ReplyDelete