(ang tagal ng download, kaya napapa-emo ako)
naalala niyo pa ba nung bata tayo, lahat ng tao gusto maging doctor? o kaya abugado? at yung mga taong nambubully sa ating gustong maging basketball player? o kaya presidente daw ng Pilipinas?
tapos habang lumalaki tayo (lalo na ako), nabubuksan tayo sa mga kung anu-anong posibilidad na mga pangarap?
'sino kaya ang nagdrawing ng cartoons na pinapanood ko?
wow, gusto ko na palang maging kartunista,
o kaya 'sinong gumawa nag sculpt ng Oblation?"
wow, gusto ko nang maging Sculptero (?)
o kaya 'anong ginagawa ng mga taga kanto ngayon?'
shet, gusto kong maging kantotero (oops)
pero, hindi nga. anong nangyari sa mga pangarap na maging doktor, abugado, at basketball player ng lahat ng tao sa Pilipinas? matapos nga silang madistract ng kung anu-anong Job Opportunities sa mundong ito, ang iba gusto nang maging astronaut, rockstar, at manny pacquiao.
So, Elementary palang, nangyari na ang una nating screening process... ang madistract sa ibang pangarap. Pero matigas ulo ko nun.Kahit mahilig ako magcomputer, favorite subect ang math... Gusto ko parin maging doktor.
Sa Highschool ko naman unang nasabing, "punyeta, ang hirap ng Science," actually elementary palang ay hirap na akong iclassify ang mga Go, Grow, at Glow foods, how much more kung sino dito ang Protein at Carbohydrates? siguro Fats, kaya ko identify. Ang hirap ng periodic table. Ang hirap nung orbitals. Ang hirap ng meiosis, mitosis, botany... basta agham, nahirapan ako. Pero hindi naman dun natinag ang pangarap ko. Kasi alam kong hindi lang palaka ang basehan ng anatomy, at hindi kailangang imemorize ang periodic table para lang makapagreseta. So far, the dream was still on.
trivia: ang lowest ever grade ko sa Highschool ay 78. sa Biology. Yung teacher lang ang gusto ko nun (the Goddess, Ms Cielo Pineda) ironically, BS Biology ang kinuha kong pre-med. Bata palang, masokista na ako.
Natanong palang ako ng dad ko nun, "bat ba gusto mong maging doctor?"
Ang sabi ko sa kanya, "Kasi nakita ko, andaming umaasa sayo kapag nagkakasakit sila. ikaw lagi yung tinatawagan, ikaw yung pinupuntahan. Yung iba walang pambayad, pero nakikita mo naman kung gano sila magpasalamat sa atin. sobra sobrang paggalang at kahit ano mangyari, andun yung utang na loob nila sa yo. E pano kung nawala ka na? sino nalang ang papalit dun? diba?"
Hindi ko alam na sa loob loob ng aking Daddy Bear ay tumataba ang puso niya sa sinabi ko. Ang hindi niya alam, pinabulaklak ko yun dahil ibibili daw niya ako ng Dunkin Donuts pag sinagot ko yung tanong niya. Hehe. Pero, syempre, totoo pa din yun.
So, natapos ang Highschool at ang "Road most travelled",ang pangarap na pinakagasgas na sa yearbook ng Elementary ay nabaliktad... panahon ko, lahat gustong maging nurse... basta sa klase namin, 8 nalang ata kaming nangarap mag doktor. Imagine, out of halos kalahati ng elementary kaming mga bata dati, naging walo nalang sa klase?
Biology na. Ngayong andito na ako sa med, masasabi kong napakadali pala ng biology. well, mahirap... pero, kumpara pala sa PT, mas pipiliin ko mag biology. At the same time, wala masyadong natutunan na pang med. kumbaga, pang pasa lang ng NMAT ang mga natutunan mong med related. the rest, pang National Geographic. Maganda, mahirap, pero, sorry, mejo mahirap ikabit ang Invertebrate Bio or Ecology or Cat Anatomy sa Med. :s
kaya... Fast Forward nalang... Medicine Proper.
tadan. First Day of UST Med, uupo ka sa umaga at ipagmamalaki ng paaralan ang sarili nila. "the BEST Medical School welcomes the BEST pre-med students in the country", may librang pakain, at ang Tour-de-Med , may isang doktor na humirit sa amin habang kumakain,
"I wish every day in Med School is just as easy as this, isn't it?"
Shet. English. Napangiti nalang ako at kinain ang pansit na kinakain ko. Oo nga, sana nga ganito kadali, pero alam naming lahat na pagkatapos ng araw na ito, lulunurin na kami sa kaalamang pangdoktor. Wala nang minor subjects (uhmm epid pala), at lahat related na sa human body, kung paano ito gumagana, bat ito nasisira, at paano ito ayusin. Wala nang Rizal Course at Trigonometry. Wala nang SCL at ETAR.
Ganito pala ang mundo na walang minors. Nakakaumay. Wala nang subject na ililihis ang atensyon mo sandali with the the Med stuff na nangyayari.
Mahirap ang Med. Maraming napapatanong kung bakit nila pinasok ang ganong propesyon. Pera? Kapangyarihan? Pinilit ng Magulang? Wala kang magawa sa buhay? Trip mo lang maglustay ng milyon ng magulang mo? Gusto mong maghiganti sa ex-girlfriend mo na dinump ka dahil sabi niya wala siyang future sayo? Isa isang mawawala ang mga dahilang yun. Isa isa mo silang kukukwestyunin at ang karamihan buburahin sa listahan. Hararap ka sa impyerno ng Pharma, Physio, Patho. Meron palang isa ngang subject doon na pangalan palang, nalunod na ako: Otorhinolayngology. in short, ENT. Di ko alam kung mahirap yun, wala pa kong ganung subject eh. Kakausapin mo ang sarili mo ng maraming ulit sa kalagitnaan ng mga gabing hindi matapos tapos: "Bakit ko ito ginagawa?"
Mawawala ang mga dahilang binanggit ko kanina. Pero merong isang dahilan na lalabas. Isang dahilang bunga ng init ng impyernong pinagdaanan mo... Kilala mo ba si Panday? kapag gagawa siya ng espada, iinitin niya ang bakal, hahatawin ng todo todo, babasain, at iiniting muli para mawala ang impurities ng bakal para maging ganap itong espada. Para din yang Med. idadaan ka sa init, hahatawin, at titinagin para maging matibay at mawala ang mga makamundo mong dahilan hanggang matira nalang ang pinaka purong dahilan na naririnig sa bawat Medschool Entrance interview: I want to be a doctor because I want to help humanity.
...
Oo nga naman... nalampasan ko nga naman ang di madistract para maging Computer Engineer para gumawa ng bagong Playstation nung elementary. Nalampasan ko ang Biology nung Highschool kahit ginapang ko yun. Nalampasan ko ang BS Bio, ang thesis, ang NMAT, at nandito na ako sa pangarap kong paaralan... Siguro naman, yun palang, maganda nang dahilan yun para masabi kong, "I still wanna do this because i want to help humanity" Oo, bumagsak man ako ng isang subject dati, pero given all the blessings I got, ang kapal naman ng mukha ng subect na yun para idrop ko ang pangarap ko.
Gusto kong maging doktor dahil gusto kong ayusin ang mata ni Shan. Ang Liver ni Daddy. Gusto kong ayusin ang puso ng mga pasyente ko, para sa bawat paggaling nila, maaalala ko ang lola ko, na kung sana pinanganak ako ng mas maaga, at naging doktor agad, kahit papano maaagapan ko sana yun. Gusto kong magtuli sa mga pinsan kong supot. Palakihin ang boobs ng mga crush ko nung bata ako. Isa ako sa mga unang makakahawak ng anak ni Pae, Shan, at Shen... malamang yung anak ko rin. Shet. Maiiyak ako pag nakita ko ang unang iyak ng anak ko. Sperm ko yun mehn. Kalahati ng chromosomes niya, sakin.
---
"Paglaki ko gusto kong maging doktor"
Napakadaling sabihin. Ang sarap pangarapin nung bata ka. Ang sarap isagot sa mga teachers mo, kahit na sa loob loob nila, "haay. isa nanamang batang nangangarap." Pero ngayon at nandito na kami.... at sa bawat na araw na palapit kami ng palapit sa aming pinapangarap na letrang M at D na nakakabit sa aming mga pangalan, alam naming marami pa kaming kakaining bigas. Marami pang gamot na kakabisaduhin, pasyenteng mamamatay, at kapeng iinumin. Mahirap. Magastos. Madugo. Pero kung kapalit nun ay magagawa mo, in your own special way, na gawing better place ang mundong ito... siguro naman masasabi kong worth it itong lahat.
Masarap yung feeling na nagtatatanong yung mga kamag-anak mo o kaibigan mo sayo kung anong gagawin nila sa sugat nilang hindi gumagaling, o sa pag-ihi nilang masakit, o sa premature ejaculation nila... Kahit na ang nasasagot ko so far sa kanila ay, "hindi ko pa alam eh :D" ... Tapos pag alam mo na ang sagot, magpapabayad ka na. Joke lang.
Kung papanoorin ko siguro ang sarili ko nung elementary na sinisigaw sa klase na, "Gusto ko pang maging doktor" (ala That's my Boy) Mapapailing nalang ako at matatawa... pero hindi ko siya pipigilan. dahil mula sa mga munting sigaw na iyon na hindi nagpatinag habang lumipas ang panahon, andito ako, at tinatahak ang daan para bigayang katuparan ang mga munting sigaw na iyon. Mag-iiba iba man ako ng dahilan, isa rin ang role na aging gagampanan... ang ultimate gasgas linya ng lahat ng doktor sa mundo:
To help humanity and make this freakin world a better place.
Pero ako, syempre, kasabay nun, gusto ko pa ring maging mayaman. :)
ang haba pala ng nasulat ko. :D sana may nagtiyaga magbasa. haha
ReplyDeleteBinasa ko kaya. Hehehe... Mag Bob Ong Jr knlng kaya kung ayaw mong maging Mon Edejer Jr...
ReplyDeletehhahaha... im think im about to delete that part of the blog... mejo walang sense eh. hehe :D thanks for reading gino :D
ReplyDeleteMag-RN/MT/Phar/Cash-boy/Kargador-sa-pier/Tagapunas-ng-mesa...etc knlng sa ibang bansa tapos sideline mo Med dito. Hahahaha! :p
ReplyDeletehahahahaha :D mag-aasawa nalang ako ng mayaman :p
ReplyDeletewow.. =) lalu ata aq na-excite sa med ah?.. joke lang... wah.. lalu aq kinabahan sa entry mo ah.. ever since toddler pa ko, (while watchin' my mom na magCS sa OR) cnsabi ko na, na paglaki ko magiging doctor din ako weh.. hehe =) tinamaan aq ng entry mu kuya karl.. hehe=)
ReplyDeleteika nga nila, "pag may tiyaga, may nilaga". ako rin may pangarap at nagpupursigi katulad mo. ariba lang ng ariba! :)
ReplyDeletenaks, nakarelate! :D see you in med, angel! :D tulong tulong tayo dun.
ReplyDeletethanks ate mitch! :D astig kaya yung dream mo. enjoy, fun, and kumikita :) btw... mejo obvious ba na ang mango season ay over na. haha. sorry di kita natext, lahat na kasi ng harvest after nung sa inyo, naging for export nalang... yaamo, next season isa ka sa unang tetext ko :D hehe
ReplyDeleteGUSTO KO MAGING DOKTOR! =]
ReplyDeleteswak na swak dad! pangarap ko din dati yan (doktor kasi ang biological father ko), hanggang iparealize ng nanay ko na mahal at hnde namen kaya ang med school ;p
mahirap ang med. araw araw ako sinasabihan ng eternal seatmate ko na "ayoko na! maghahanap nalang ako ng mayaman at magpapakasal nalang ako!" :p
ReplyDeletemahirap ang med. pero masaya. :)
Sometimes I wanna become a doctor so I can look at myself in the mirror and tell myself that I'm doing something important with my life. Sometimes..
ReplyDeletenice karl buti ka pa naalala mo pangalan ni Ms. Pineda! Ako dn yun ang nagpapa carrer sa kin sa Biology nun> Yun din yung times mahilig ako mag recite for the first time. Para lang sa kanya yun! hahahaha
ReplyDeleteGanun din ako kay Ms Catiis. hmmm naabutan m p b sya? grade school crush k naman yun...
bata pa lang bolero ka na pala.haha
ReplyDeletenatawa naman ako d2.haha
ReplyDeleteyun lang ba talaga yung gusto mong gawin?haha
ReplyDeleteOy, malaking bagay na yun ah.
ReplyDeleteMagiging malaking bagay talaga yun after non.haha.. E syempre ma compromise yung patient-doctor relationship nila kasi me interest sya dun sa patient. Kung ikaw yung patient knowing that would you still go? well kung libre cguro.. haha..
ReplyDelete"Otorhinolayngology. in short, ENT."
ReplyDeletehindi ko ma-spell! hindi ko rin ma-pronouce!! pinapahirap talaga ng med lahat ng bagay haha! maging writer ka na lang! kikita ka pa dun!
ang cute naman! isa ka sa mga batang yun! :D awww. ok lang nak, bagay na bagay ka naman sa propesyon mo ngayon eh. :D
ReplyDeleteoo masaya. actually, try mo yung mag-asawa ng mayaman, masaya din yun. hahahahaha! :D
ReplyDeletebat sometimes pare? haha. important naman tlga tong ginagawa natin eh. :D well, epid siguro mejo out of the way. hahaha
ReplyDeleteOMFG! the HOT HOT MATH TEACHER! na nagshoshorts! yeahboi! yumyum!
ReplyDeleteweird pare, isusulat ko yan dapat din. hehe. pero di ko naman binola dad ko nun eh. :D
ReplyDeletesorry nAman., pero mayaman naman sa information ang Net Geo eh. yun nga lang di ganun kahalaga sa Med at sa normal na buhay. Paki ba ng mga layman sa mga alpha male na wolf at mating patterns nila? ahehe
ReplyDeleteisa lang yan sa marami! :D bwahahaha making the world a better place!
ReplyDelete"To help humanity and make this freakin world a better place."
ReplyDeleteang cliche pare pero totoo.. kung umattend ka nung graduation last march jan din nagrevolve yung speech of gratitude nung valedictorian nila. ang natandaan ko nalng, she wanted to become a doctor because it builds up a CHARACTER tapos may sinabi pa shang we (aspiring doctors) shouldn't live up less or more to that character.. ang weird nung feeling after nung speech nya.. hahaha!! alam mo kung bakit?? kasi nainspire sha sa isang authors ng harrison kaya yun yung sinabi nya!
tama burke! apir!
ReplyDeletelibre yung PF ko mehn sakanya. the rest magbayad siya. at bakit ba? anong macocompromise un eh maganda nga para sa transference at counter-transference yun.,positive pareho. yeahboi :)
ReplyDeletehahahaha. oo pre. kahit ako antagal kong tinignan yun nun. haha
ReplyDeletehahaha.. i really enjoy reading your blogs.. si Nong lang yung nagpabasa sakin dati.. tapos.. aun. paminsan minsan dumadaan nako sa blog mu hahaha.. kaaliw kasi.. ;'))
ReplyDeletebtw, nateary eyed ako sa ibang parts ng entry mu hahaha ;')) galing ;')))
o_O naexperience mo na? ohkaaay. over share....hehe. joke lang.
ReplyDeleteonce again, 2-thumbs up! =) inspiring!
ReplyDeletewaaaaaaa! nag blog si gayle about that. :) sayang tlga di ko napanood! im a sucker for that pa naman! :D
ReplyDeletelamo ba, pag iniimagine ko ang graduation sa med, naiiyak na ako. hahaha. :D
awww nice :) thanks. pakisabi rin kay nong, salamat. naapreciate niyo din pala blogs ko :) feel free to comment lang :D btw, waaa, magpapharma na tayoo! waaa! section B na ako, aww, pero, from time to time makikigulo ako sa klase nyo. hehe :D
ReplyDeletethanks Jestha :) buti binabasa niyo pa rin kahit mahaba. :D congrats on your V-necks nga pala :)
ReplyDeletehehe., gusto ko itry minsan. :D
ReplyDeletewow thanks sa entry na toh kuya karl! unti-unti na nagiging clear saken kung anu talaga gusto ko gawin after grad. konti pa. :P
ReplyDeletenyaha. thanks. dapat super sure ka vren. as in. :D ;P wag mo madaliin. hehe
ReplyDeletewow..hehe!!napadaan lang ko dito pero naamaze ako..ang galing!!bob ong nga!!nakakaaliw at me parts nga na nakakaiyak!!!ang galing..hehe!!;p
ReplyDeletehaha thanks :) add me up if you want, :) and feel free to comment lang :D
ReplyDeletepero ndi ko tinatry maging bob ong. pramis. mas bastos ako sakanya. haha. :D
do-k-to-r?? ako lang ata ang batang hindi nangarap mag-doktor. gusto ko talaga ever since maging teacher!! oha!! pero di ko gagawin dahil na-realize ko hindi pala kakayanin ng maikli kong pasensya ang magpaulit-ulit ng lessons sa 5 sections sa loob ng 5 araw. oh well, andito naman ako para sumuporta sa mga kaibigan kong isinasapuso ang isang propesyong hindi lang pera at pangalan ang hatid kindi honor at integridad(parehas lang ata sila??haha.) pati na rin character (nabasa ko sa isa sa mga comment dito.ehehehe.)
ReplyDeleteiba ka kuya karl! pupunta ko sa graduation mo!! isa ako sa malakas na papalakpak pag akyat mo ng stage!! :D apir!! :D
oh my god. punta kayo. :) magpapakain ako (sana bigyan akong panglibre ni daddy. haha).. thanks Cheng. ako sure namang asa grad nyo eh, haha.. pero sana kayong dazers andun sa grad ko, pero malamang yan may mga trabaho na kayo at busy :(
ReplyDeletenagdrama naman si daddy karl... malamang naman noh andun kame sa grad mo!
ReplyDeleteako mismo, aabsent ako sa work ko makapunta lang sa grad mo at para palakpakan ka pa =]
haha. thanks anak. :) in 3 years then. :D mwah!
ReplyDeletekarl, after ng 3rd shifting exam mo sa pharma at patho, basahin mo tong blog mo para mawala ang sakit sa dibdib na nararamdaman mo.. aja! there's no turning back! see u soon!
ReplyDeleteamen daddy! i believe you'll be the best doctor you can become.. hehe
ReplyDeleteyan din gusto ko noon at hanggang ngayon. unfortunately, this is not my time yet. haha..
God bless daddy karl.. onti na lang, DOCTOR ka na.. hope i'll be around when that time comes.. hehe
at saka... there was a time in my life (lalo na nung nakuha ko RMT license ko) na ayoko na talaga. hindi pa ako umaapak sa med school, umaayaw nako... buti tumuloy ako. kung hindi, hindi ko marerealize na i'm not invincible. med school lang nag paiyak sakin ng bonggang bongga... madami akong firsts dito. no regrets.
ReplyDeletethis blog deserves a slow clap :) *sabay tayo* :)
ReplyDeletenakow! kelan ba naman kame nawala! ahahahahaha!!! abay sandali na lang naman yun no!! andun kame! kahit di na tayo medyo nagkikita siguro, pupunta kame! magugulat ka na lang! bwahahahahhaha!! :)) HUUUG!! :D
ReplyDeletehaha. tatandaan ko to, cheng :D hahahahaha
ReplyDeletehahaha. my golly. oo. sana nga. pero sana wala akong sakit ng dibdib sa araw na yun in the first place :p
ReplyDeletethanks anak. :) sana makavisit kayo nun, hehe. thanks sa pagbabasa kahit mahaba. hahaha :D huy huy maghanap ka na ng trabaho! hahahaha
ReplyDeleteoh my god. talaga? i never thought ganun ka.. i mean, di ka naman suki ng remedials and all... pero, tama ka. no regrets. laban kung laban. salamat ng marami, cherry :)
ReplyDeletethank you soo much cess :) :D hehe
ReplyDeletewow nice! naabutan m pa rin pla siya! alala mo pa pag birthday nya dami nakapila sa kanay para mag pakiss? hehehe Sa kanya lang maayos ang sulat ko nun kasi gs2 ko lagyan nya ng smiling face ang notebook after note taking! hehehehe
ReplyDeletewahahahaha! nice one vyron! dati nga, grade 4 na kami, pero grade 3 teacher siya, dumayo pa kami sa section niya (St Joseph), kasi naka short shorts siya. yeahboi. im sure pinadalhan siya ng memo nun for wearing it, but it's sooo worth it :D yeahbaby
ReplyDeleteako naman pag teachers day, kami ng barkada ko nag iiwan ng roses sa may pintuan ng faculty room nf grade school (yung long eary hallway.. alala m p yun? hehehe)
ReplyDeleteako naman pag teachers day, kami ng barkada ko nag iiwan ng roses sa may pintuan ng faculty room nf grade school (yung long eary hallway.. alala m p yun? hehehe)
ReplyDeletenakakaiyak. isa lng tlga ang pangarap ko bata palng ako... ang maging DONYA... :p
ReplyDeleteAng pangarap ko ay maging pasyente ni karl!! at hindi malabong mangyari yun!!!... haha..
ReplyDeletebwahahahahah! Donya Paguyo! :D magpayaman tayong malupet abs! hahahah thanks :D
ReplyDeletelangya ka. hahahaha. wag naman sana yung malala. sana hindi emergency.. yung mga mala-tulo lang o luslos. hahaha :D
ReplyDeleteLung Cancer!!!! tsaka Diabetis... :)
ReplyDeletetarantado! wag kang magsalita ng ganyan! walang cure anglung cancer! yung JABETES mo nalang! haha
ReplyDeletei was about to study my Physio notes, tapos naalala ko to, hindi ko nabasa to eh.
ReplyDeleteBUTI NA LANG BINASA KO! hahaha
your thoughts are one of my inspirations, Kuya Karl. ;)
nyak. hahahaah. thanks. :) yan ang binagsak ko subject. hahahaha. :p
ReplyDeleteang ganda! pangarap ko din yan e! wahahahaha! gaya gaya amp. wahahahaha! ang galing mo kuya karl!
ReplyDeletego go! gusto ko andun kayo next year! sige na! mag med kayo kahit for fun lang! hahahaha :D thanks vanessa! mwah!
ReplyDeletehmmm...i'M a stRanger..but caN i at leAst, make a commenT?!?! hehehec: hmmm..reaDing your artiCLe means my brain ceLLs should work exTra haRder..haha=D tagaLog man guD..diLi kaayo ko ka.reLate..hehec: In a way, you have wriTTen d bLog weLL, karL (?!). U jusT can't imagine how you made a perfect stranger like me laUgh out Loud whiLe reading iT. Hmm..i aLso wanTed to become a doCtor..iT's a drEam..a dreAm..a dreaM...:c By the way, im a 4th yeAr BSN sTudent and a frustRated med stuDent at the same time..haha=D i dO not know if i can stiLL affOrd to sTudy in a medicaL scHooL but iD like you to know that you insPired me a loT..not to puT my dreAm in a smeLLy traSh can..c: God bLesS youR feat, karL..!
ReplyDeletesorry now lang. thanks. haha :D pagisipan mong mabuti kung magmemed ka. impyerno dito. hahaha :D peace!
ReplyDeletehmmm.. i wonDer how it feeLs like...maybe i shOuLd give it a trY..hahahaha=D good Luck! (to me..eeeeehhhh) disCourage, though...hehec: buT chaLLenging, in a way..hehec: shake the faith off...!!!!!!!!!!!!!!!!!! hihic:
ReplyDeletehehe di naman karl. haha! no worries. thanks so much for the delivery last time. miss tish, our school's owner, loved it ;)
ReplyDeletehi po tanong ko lang kung my pagasa bang mag doctor ang mahina sa math and science?? or anu po ung pinakamadaling pre med cource??
ReplyDelete