Wednesday, 24 June 2009

Request kay God

Lord, kung gugunawin mo na ang mundo, pwedeng One Time Big Time nalang? yung walang maeexempt at walang masasaktan at mabilisan ang lahat?

kasi nakakatakot pag may swine flu, at earthquake, at ulan ng hiyelo, at giyera, at buhawi sa pilipinas, at pharma pa. unti unti ang kamatayan. may takot effect pa kasi. at gagastos pa ang DOH, Government, WHO, at UN pag may calamities.

Lord, kung gugunawin mo man ang mundo, pwedeng isang bagsakan nalang? para walang pagluluksaan at walang magluluksa?

tsake Lord, pwede bang surprise? yung tipong di matatakot ang human race dahil wala na kaming panahong matakot, by the time na narealize naming dapat natakot kami...sumalangit na kaming lahat? At pwede bang tulog kaming lahat pag nangyari man yun? Para pag-gising namin, yung akala naming aircon ay sa clouds na pala ng pinapangakong langit. At andun ka na. At bibigyan mo na kami ng malaking hug.

Seryoso. Natatakot ako kay Mother Nature. At Sa Korea. At sa Pharma. 

Or better yet, Panginoon, pwedeng wag mo muna nalang gunawin ang mundo?

Gusto ko pa kasing mag-asawa. Ayokong mamatay ng walang kaholding hands na hot chick. Pero bago yun, gusto ko munang maging doktor. At bago mag-asawa, matagal ang selection process, diba? At pagkatapos nung mga yun, gagawa ako ng maraming anak. yung magagaling at matatalino. Pero pano yun? gugunawin mo na ang mundo pagkatapos nun? Pano na ang apo ko? Pano na ang apo ng anak ko? Wag nalang kasi mag end of the world. Sabi nga sa bible, mag e-end of the world daw pag babalik na si Jesus dito... uhmm.. pwedeng huwag mo munang pababain si Jesus dito? May picture naman siya sa lahat ng simbahan eh. Merong smiling Jesus pa nga. May movie pa nga siya dito eh. Can you tell him to enjoy langit muna?

Lord, huwag mo nalang gunawin ang mundo please.

Pwede bang sa Malacanang nalang ang Lindol? at sa Congress nalang ang swine flu? at pwede bang kung mag-ge-gera man ang US at Korea, sila sila nalang. Magkita nalang sila sa isang place na walang tao bukod sa kanila tulad ng antartica (syempre, paaalisin muna ang mga penguins), tapos magbarilan nalang sila dun. magbombahan sila hanggang gusto nila? Pwede bang sa Antartica nalang ang pag-ulan ng ice? Mas bagay dun diba? At pwede po bang ang buhawi ay sa Mars nalang? or sa Jupiter?

huwag muna kasi... ipapasa ko pa ang Pharma. May dapat pa akong patunayan.

At, Lord, madami pa akong kailangan patunayan.

Sa pamilya ko. sa friends ko. sa mundo. at sa Iyo.

Malay mo, pag napatunayan namin na ang human race, willing magbago. Na pwede naming gawing better place ang planetang to. Na may puso rin pala ang bawat isa sa amin...kahit si Gloria Arroyo, kahit papano, merong puso yan (although, Lord, alam kong nagdududa ka minsan kung ginawan mo talaga siya ng Puso)... Malay mo mapatunayan naming pwedeng mag-unite ang Earthlings para masave ang Earth. At dahil dun, malay mo matuwa ka sa mga citizens of the world...










...at kunin kaming lahat ng sabay sabay.


joke lang.

Lord, malakas ako sayo (sana).

Don't make gunaw the world muna.

Tuesday, 16 June 2009

V for Vendetta

No. Actually. V for Vneck.



My previous batchmates are now wearing their glowing shiny Vnecks this year. Some sort of "award" maybe when they pass Patho and Pharma. and for most of them, it looks good. It gives them a sense of "respect" para sabihing, "Huy, third Year nako mehn. Hari na ng Med" (because as we all know, the Seniors are getting burned on the other building across the bridge for their Clerkship) In all fairness, for the girls most of them looked hot on it. except for some. hahaha. but mostly, the Vneck scored points to their hotness factor.




For some reason, I try to avoid seeing them. Seeing Austin, Moogie, Greg, and the rest, just keep me reminded that we faltered along away that made us less worthy of those new uniforms. That this collar that im wearing is supposed to be gone. I've been wearing this before-shiny-now-off-white uniform for 2 years now, for god's sake. But then again, I'm done self pitying, im done with that last year, there may be pain, but it doesn't reach threshold anymore... I guess all i can do is be proud of them that when we started as a class of 125 students, they are the 100 something that were left, and that's including irregs that fell from the upper batch. So I have no idea what the real number is.

Next year. Me and the Irreg team will be wearing that, too. We, too, will be proud of wearing those new shiny uniforms as we walk down the halls of ust medschool. It may be a year late, but still, we'll get to wear that. We'll get there. We'll all be there one way or another, like what I always say,  "In God's time. in God's freakin time"

Monday, 8 June 2009

Gusto kong maging doktor

(ang tagal ng download, kaya napapa-emo ako)

naalala niyo pa ba nung bata tayo, lahat ng tao gusto maging doctor? o kaya abugado? at yung mga taong nambubully sa ating gustong maging basketball player? o kaya presidente daw ng Pilipinas?

tapos habang lumalaki tayo (lalo na ako), nabubuksan tayo sa mga kung anu-anong posibilidad na mga pangarap?

'sino kaya ang nagdrawing ng cartoons na pinapanood ko?
wow, gusto ko na palang maging kartunista,

o kaya 'sinong gumawa nag sculpt ng Oblation?"
wow, gusto ko nang maging Sculptero (?)

o kaya 'anong ginagawa ng mga taga kanto ngayon?'
shet, gusto kong maging kantotero (oops)

pero, hindi nga. anong nangyari sa mga pangarap na maging doktor, abugado, at basketball player ng lahat ng tao sa Pilipinas? matapos nga silang madistract ng kung anu-anong Job Opportunities sa mundong ito, ang iba gusto nang maging astronaut, rockstar, at manny pacquiao.

So, Elementary palang, nangyari na ang una nating screening process... ang madistract sa ibang pangarap. Pero matigas ulo ko nun.Kahit mahilig ako magcomputer, favorite subect ang math... Gusto ko parin maging doktor.

Sa Highschool ko naman unang nasabing, "punyeta, ang hirap ng Science," actually elementary palang ay hirap na akong iclassify ang mga Go, Grow, at Glow foods, how much more kung sino dito ang Protein at Carbohydrates? siguro Fats, kaya ko identify. Ang hirap ng periodic table. Ang hirap nung orbitals. Ang hirap ng meiosis, mitosis, botany... basta agham, nahirapan ako. Pero hindi naman dun natinag ang pangarap ko. Kasi alam kong hindi lang palaka ang basehan ng anatomy, at hindi kailangang imemorize ang periodic table para lang makapagreseta. So far, the dream was still on.

trivia: ang lowest ever grade ko sa Highschool ay 78. sa Biology. Yung teacher lang ang gusto ko nun (the Goddess, Ms Cielo Pineda) ironically, BS Biology ang kinuha kong pre-med. Bata palang, masokista na ako.

Natanong palang ako ng dad ko nun, "bat ba gusto mong maging doctor?"
Ang sabi ko sa kanya, "Kasi nakita ko, andaming umaasa sayo kapag nagkakasakit sila. ikaw lagi yung tinatawagan, ikaw yung pinupuntahan. Yung iba walang pambayad, pero nakikita mo naman kung gano sila magpasalamat sa atin. sobra sobrang paggalang at kahit ano mangyari, andun yung utang na loob nila sa yo. E pano kung nawala ka na? sino nalang ang papalit dun? diba?"

Hindi ko alam na sa loob loob ng aking Daddy Bear ay tumataba ang puso niya sa sinabi ko. Ang hindi niya alam, pinabulaklak ko yun dahil ibibili daw niya ako ng Dunkin Donuts pag sinagot ko yung tanong niya. Hehe. Pero, syempre, totoo pa din yun.

So, natapos ang Highschool at ang "Road most travelled",ang pangarap na pinakagasgas na sa yearbook ng Elementary ay nabaliktad... panahon ko, lahat gustong maging nurse... basta sa klase namin, 8 nalang ata kaming nangarap mag doktor. Imagine, out of halos kalahati ng elementary kaming mga bata dati, naging walo nalang sa klase?

Biology na. Ngayong andito na ako sa med, masasabi kong napakadali pala ng biology. well, mahirap... pero, kumpara pala sa PT, mas pipiliin ko mag biology. At the same time, wala masyadong natutunan na pang med. kumbaga, pang pasa lang ng NMAT ang mga natutunan mong med related. the rest, pang National Geographic. Maganda, mahirap, pero, sorry, mejo mahirap ikabit ang Invertebrate Bio or Ecology or Cat Anatomy sa Med. :s

kaya... Fast Forward nalang... Medicine Proper.

tadan. First Day of UST Med, uupo ka sa umaga at ipagmamalaki ng paaralan ang sarili nila. "the BEST Medical School welcomes the BEST pre-med students in the country", may librang pakain, at ang Tour-de-Med , may isang doktor na humirit sa amin habang kumakain,

"I wish every day in Med School is just as easy as this, isn't it?"

Shet. English. Napangiti nalang ako at kinain ang pansit na kinakain ko. Oo nga, sana nga ganito kadali, pero alam naming lahat na pagkatapos ng araw na ito, lulunurin na kami sa kaalamang pangdoktor. Wala nang minor subjects (uhmm epid pala), at lahat related na sa human body, kung paano ito gumagana, bat ito nasisira, at paano ito ayusin. Wala nang Rizal Course at Trigonometry. Wala nang SCL at ETAR.

Ganito pala ang mundo na walang minors. Nakakaumay. Wala nang subject na ililihis ang atensyon mo sandali with the the Med stuff na nangyayari.

Mahirap ang Med. Maraming napapatanong kung bakit nila pinasok ang ganong propesyon. Pera? Kapangyarihan? Pinilit ng Magulang? Wala kang magawa sa buhay? Trip mo lang maglustay ng milyon ng magulang mo? Gusto mong maghiganti sa ex-girlfriend mo na dinump ka dahil sabi niya wala siyang future sayo?  Isa isang mawawala ang mga dahilang yun. Isa isa mo silang kukukwestyunin at ang karamihan buburahin sa listahan. Hararap ka sa impyerno ng Pharma, Physio, Patho. Meron palang isa ngang subject doon na pangalan palang, nalunod na ako: Otorhinolayngology. in short, ENT.  Di ko alam kung mahirap yun, wala pa kong ganung subject eh. Kakausapin mo ang sarili mo ng maraming ulit sa kalagitnaan ng mga gabing hindi matapos tapos: "Bakit ko ito ginagawa?"

Mawawala ang mga dahilang binanggit ko kanina. Pero merong isang dahilan na lalabas. Isang dahilang bunga ng init ng impyernong pinagdaanan mo... Kilala mo ba si Panday? kapag gagawa siya ng espada, iinitin niya ang bakal, hahatawin ng todo todo, babasain, at iiniting muli para mawala ang impurities ng bakal para maging ganap itong espada. Para din yang Med. idadaan ka sa init, hahatawin, at titinagin para maging matibay at mawala ang mga makamundo mong dahilan hanggang matira nalang ang pinaka purong dahilan na naririnig sa bawat Medschool Entrance interview: I want to be a doctor because I want to help humanity.

...

Oo nga naman... nalampasan ko nga naman ang di madistract para maging Computer Engineer para gumawa ng bagong Playstation nung elementary. Nalampasan ko ang Biology nung Highschool kahit ginapang ko yun. Nalampasan ko ang BS Bio, ang thesis, ang NMAT, at nandito na ako sa pangarap kong paaralan... Siguro naman, yun palang, maganda nang dahilan yun para masabi kong, "I still wanna do this because i want to help humanity" Oo, bumagsak man ako ng isang subject dati, pero given all the blessings I got, ang kapal naman ng mukha ng subect na yun para idrop ko ang pangarap ko.


Gusto kong maging doktor dahil gusto kong ayusin ang mata ni Shan. Ang Liver ni Daddy. Gusto kong ayusin ang puso ng mga pasyente ko, para sa bawat paggaling nila, maaalala ko ang lola ko, na kung sana pinanganak ako ng mas maaga, at naging doktor agad, kahit papano maaagapan ko sana yun. Gusto kong magtuli sa mga pinsan kong supot. Palakihin ang boobs ng mga crush ko nung bata ako. Isa ako sa mga unang makakahawak ng anak ni Pae, Shan, at Shen... malamang yung anak ko rin. Shet. Maiiyak ako pag nakita ko ang unang iyak ng anak ko. Sperm ko yun mehn. Kalahati ng chromosomes niya, sakin.

---

"Paglaki ko gusto kong maging doktor"

Napakadaling sabihin. Ang sarap pangarapin nung bata ka. Ang sarap isagot sa mga teachers mo, kahit na sa loob loob nila, "haay. isa nanamang batang nangangarap." Pero ngayon at nandito na kami.... at sa bawat na araw na palapit kami ng palapit sa aming pinapangarap na letrang M at D na nakakabit sa aming mga pangalan, alam naming marami pa kaming kakaining bigas. Marami pang gamot na kakabisaduhin, pasyenteng mamamatay, at kapeng iinumin. Mahirap. Magastos. Madugo. Pero kung kapalit nun ay magagawa mo, in your own special way, na gawing better place ang mundong ito... siguro naman masasabi kong worth it itong lahat.

Masarap yung feeling na nagtatatanong yung mga kamag-anak mo o kaibigan mo sayo kung anong gagawin nila sa sugat nilang hindi gumagaling, o sa pag-ihi nilang masakit, o sa premature ejaculation nila... Kahit na ang nasasagot ko so far sa kanila ay, "hindi ko pa alam eh :D" ... Tapos pag alam mo na ang sagot, magpapabayad ka na. Joke lang.

Kung papanoorin ko siguro ang sarili ko nung elementary na sinisigaw sa klase na, "Gusto ko pang maging doktor" (ala That's my Boy) Mapapailing nalang ako at matatawa... pero hindi ko siya pipigilan. dahil mula sa mga munting sigaw na iyon na hindi nagpatinag habang lumipas ang panahon, andito ako, at tinatahak ang daan para bigayang katuparan ang mga munting sigaw na iyon. Mag-iiba iba man ako ng dahilan, isa rin ang role na aging gagampanan... ang ultimate gasgas linya ng lahat ng doktor sa mundo:

To help humanity and make this freakin world a better place.






Pero ako, syempre, kasabay nun, gusto ko pa ring maging mayaman. :)