Thursday, 31 January 2008

pinta

kung iguguhit ang kwento,
ito'y punong puno ng masaya at magagandang mga kulay.
pula, dilaw, bughaw, berde at kung anu-ano pa.
masaya.
bawat kampas ng pinta ay gumuguhit ng kunag anuanong mga linya
hindi napaplano. biglang lumilitaw.
napagandang kanbas.
basta lang tayo gumuhit.
sabay pinta sa ngiti sa mukha.
ng mumunting mga guhit sa iyong bibig.
ng tawa at gulat na nagbigay tamis at tuwa
makulay ang kanbas.
lahat ng tikwas masaya, mabuti, mumunting mga alaala
may mga tao, at lugar, at makukulit na mga pantasyang lumilipad.
masaya silang lahat. ang ganda ng ginuhit.
ngunit may malaking puti pa rin sa mga gilid, at taas, at gitna ng drowing

ang larawa'y di tapos.
tumigil na lang bigla.
ang kulay. ang sigla. ang saya. namatay.
may bumitaw sa pinta.
ang napakagandang obra, di natapos.
pilit binubura ang mga tuldok.
ngunit masyadong madiin at malamig ang pagkalagay.

walang nagawa.
ang ganda sana. di natapos.
namatay ang sulong gumagabay.
hindi niya alam kung anong dahilan.

at ayun ang pininta.
makulay. masaya. at kaaya aya

mga munting alaalang paulit ulit inuulit.

No comments:

Post a Comment